HAND OF GOD
- 1 hour ago
- 2 min read
Hand of God (Cinemalaya 2026)
Written & Directed by: Mark Duane Angos

Bola o baril ba ang iyong hahawakan?
Hindi ito isang pangkaraniwan na tanong lalong lalo na kapag bata ang pinag-uusapan. Nasa panahon tayo ngayon kung saan ang kaharasan ay tila nagiging normal na. Palabas man o realidad, makikita mo ito kahit saan.
Sa kabila ng laganap na karahasan, nasa ating mga kamay pa rin ang pagpili kung ano ang nais nating bigyan ng kapangyarihan. Pinipili ng pelikulang ito na maghasik ng pag-asa.
Halos buong magdamag ay maaantig at madadala ka sa mga bata na ginagamit ang kanilang mga kamay upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Bilang manonood, gagamitin mo rin ang iyong mga kamay sa pagpunas ng luha at pumalakpak para sa kanilang tagumpay.
Hindi ka na lamang basta manonood. Para ka na ring magulang na proud sa mga batang ito. Kailangan mo silang protektahan at alagaan.
May pagkakataon na mapapaisip ka kung posible bang mangyari ito. Magdududa ka sa teknikalidad at realidad. Ngunit sa kabilang banda, sino ba tayo para maging hadlang sa kung ano ang kaya nilang abutin. Hayaan natin silang lumipad at makarating sa gusto nilang puntahan.
Dadalhin ka ng pelikulang ito sa iba’t ibang lugar na siyang susubok sa hangganan ng iyong damdamin.
Madalas ay nakalutang ka sa itaas ng alapaap. Minsan ay mauuntog ka sa ilalim ng lupa. Napakasakit mahulog. Ngunit gamitin ang mga kamay upang bumangon.
Gamitin ang mga kamay upang palakpakan ang magaling na pagganap ni KD Omalin. His naivety is naturally written all over his face, but so is his growing consciousness. Watching it unfold makes you even more invested in his character and aspirations.
There are moments when the direction seems to lose its way, but it eventually finds its path back to its goal. For making a home for dreams amid chaos and violence, this is a must-see film.
While watching 𝘏𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘧 𝘎𝘰𝘥, your hands will find themselves doing many things—clapping in admiration, wiping away tears. But the most important moment is when they come together as praying hands, hoping that these kids get the future they truly deserve.
𝐇𝐀𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐆𝐎𝐃
Cast: Ruru Madrid, Iza Calzado, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, KD Omalin, Jhong Hilario, Cholo Barretto, Edwin Nombre, Rosh Barman, Tyke Sanchez
Release Date: August 6-18, 2026 for Cinemalaya
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments