top of page

HB2ME

  • 58 minutes ago
  • 2 min read

HB2ME (2026)

Written & Directed by: Veronica Velasco

 

Kada taon, may prank na ginagawa ang tatay para sa kanyang anak — dahil sa April Fool’s Day siya ipinanganak.


Hindi nakakatawa. Kahit ilang beses sabihin ng anak na tumigil na, paulit-ulit pa ring ginagawa. Kahit traumatic na para sa bata, nananadya pa rin. Masyadong pilit ang pagkakagawa sa plot. Hindi makatotohanan ang inaasal ng tatay at ng nanay.

 

 

Simula pa lang, ang cringey na panoorin. Ang peke umarte ng ilang pranksters at supporting cast. Kahit prank siya, ang dramatic ng approach. Nagbibiruan sila tapos may nagdadrama. Seryoso sila tapos comedy ang tunog. Ang gulo sa pakiramdam.


Sobrang corny ng audition na naganap. Walang chemistry ang gang. Wala silang ambag. Andaming palya sa planning process. Basta-bastang ipinasok ang pang-iimbestiga. Hindi nakaka-intrigang sundan.


Walang buildup patungo sa ultimate prank. Totoo man o hindi ang nangyayari, nakakawalang gana na siyang panoorin. Ampanget ng kwento. Ang tamlay ng mood. Ang sagwa ng mga nangyayari. Ang lamya ng fade effects.

 

 

Joketime ang pagkakasulat sa mga karakter. Binalewala ang pagtrato sa trauma. Gaslighting to the highest level. Nakakaasar ang mga pinilit na life lessons para lang magkaroon ng mensahe ang pelikula.


Malala ang mga plottwists. Para na silang nasisiraan ng bait. Sasagarin ang pasensya mo.


Hindi mo alam kung maaawa ka ba sa kanila o kung matatawa sa mga walang kwentang pinaggagawa nila. Sa huli, kakaawaan mo na lang sarili mo dahil pinaglaanan mo pa ng oras at pera ang palabas na ito.


The greatest prank this movie pulls is getting a nationwide release and letting people watch it — even though it’s a waste of time and money.


So messed up.


𝐇𝐁𝟐𝐌𝐄

Cast: John Arcilla, Elijah Canlas

Also Starring: Carmi Martin, Dindo Arroyo, Alexa Miro, Criza Taa, Archie Alemania, Matt Lozano, Joe Vargas, JM Salvado, Basti Flores, Rubi Rubi, Ronan Capinding

Presented by: MAVX Productions

Release Date: August 19, 2026

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page