top of page

HELLO LOVE AGAIN

Hello, Love, Again (2024)

Directed by: Cathy Garcia-Sampana


Kapag ang isang bagay ay minadali at pinagpilitan,

hindi maganda ang magiging kinalabasan.


Ganito ang nangyari sa pelikulang ito.


Minadali ang pagkwento. Pinagsiksikan ang ilang mahahalagang bagay sa ilang minuto. Hindi ka makahinga dahil andaming nangyayari. May ilang kaganapan na pinagpilitan na lang.


Mabilis mag-iba ang mood ng pelikula. Hindi maganda ang daloy ng istorya. Ramdam mo ang paghihirap na ikwento ang lahat sa loob lamang ng dalawang oras. Andaming product placements na agaw-atensyon at nakakatawa. Parang “notice me” ang datingan kundi lagot kami sa sponsors. Mukhang peke at naka-green screen yung ibang lugar. Minsan, malabo pa yung kamera.


Malinaw na malakas ang tambalang KathDen. Marami silang nakakakilig na eksena. Parang patay na patay talaga sila sa isa’t isa. Sobrang tagal ng mga lambingan nila. Nakakagulat yung iba nilang ginawa rito.


May ilang pagkakataon na parang napuputol at hindi buo ang kanilang akting. Ngunit sa kabuuan, nabibigyan nila ng buhay ang katauhan nina Ethan at Joy.


Naibahagi nila nang maayos ang paghihirap ng OFWs at kung paano ito nakaka-apekto sa isang relasyon.


Nakaka-antig balikan ang mga ala-ala sa unang pelikula. Nakakatuwang makita ulit ang mga dating kaibigan at pamilya. Masayang kasama ang bagong mga karakter ngayon, pero ang kaunti ng kanilang mga eksena. Dumaan lang ang yung iba at hindi na nagpakita ulit.


May dala pa ring saya sina Kakai Bautista at Lovely Abella. Nakaka-miss makita si Ruby Rodriguez. Walang kapintasan si Kevin Kreider sa palabas na’to. Magaling umarte si Jennica Garcia, pero hindi maayos ang pagkakasulat para sa kanyang karakter.


Walang palya lahat ng mga eksena ni Joross Gamboa. Palaging benta ang kanyang mga hirit. Dahil sa kanyang ginagawa, mas nagkakaroon ng buhay at mas nadaragdagan ang kilig sa paggitan ng KathDen.


For all the excitement and romance, this film is successful in delivering fan service. By doing so, it compromises the film’s quality and defies the characters’ sensibilities. Some decisions are too impulsive and illogical to be taken seriously. Some formulas work, while some are forced into the story—even if it’s out of place.


For being more faithful to Joy and Ethan’s character, Hello Love Goodbye is the better film. For being more faithful to KathDen fans, Hello Love Again has a lot more to offer.


The pressure and power of Love Team won again.


𝗛𝗘𝗟𝗟𝗢 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡

Rating: 2/5


Cast: Kathryn Bernardo, Alden Richards, Joross Gamboa, Kakai Bautista, Lovely Abella, Jeffrey Tam, Jameson Blake, Jobert Austria, Mark Labella, Marvin Aritrangco, Wendy Froberg, Valerie Concepcion, Kevin Kreider

Writer: Carmi Raymundo, Crystal San Miguel, 

Presented by: Star Cinema, GMA Pictures

Release Date: November 13, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  2

Emotions:  2.5

Screenplay:  2

Technical:  1.4

Message:  1.5

AVERAGE SCORE:  2.08

1 comment

1 Comment

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
moonie
Nov 15
Rated 3 out of 5 stars.

even as a fan, i agree with this review. That was i felt while watching. It was as if i am being forced to believe in their reasoning. It felt rushed too. And i agree, nakakilig. Pero hindi nakakaiyak. At weird lang kasi magaling naman sila umarte. As someone na iyakin, tapos hindi ako naiyak e ibig sabhin, hindi ako nadala sa gusto iparating ng pelikula. Mahirap maramdaman ang hindi ipinaramdam. Thank you sa review na to, kasi navalidate ung napa feel sakin nung movie. At rare ung ganitong comment kasi natatabunan ng kilig ung judgement ng iba. Gets ko naman sila. kasi totoo namang nakakakilig, ndi naman maitatanggi un. Sa kabuuan, gusto ko pa din maging successful tong film…

Like
bottom of page