top of page

HIGOP

Higop (Vivamax 2023)

Directed by: Topel Lee


Nag-order siyang Okinawa Milk Tea.

Pero yung cashier ang nahigop niya.


Witty ang mga lines. Matino ang laman ng mga usapan. Pero kapos sa aktingan.


Maliban kina Josef Elizalde at Lester Llansang, nahihirapan nang umarte ang iba. Naging funny na lang sila.


Kontrabida si Fabio Ide peri hindi siya nakakatakot. Nakakawalang gana ang kanyang accent. Hindi rin kapani-paniwala ang boses ni Zsara Laxamana. Sinusubukang umarte ni Angelica Hart pero kulang pa rin ito sa emosyon.


Matino ang cinematography at maayos ang scoring. Pasok ang sex scenes sa daloy ng kwento. Naka-focus ito sa matinding relasyon pero hindi ramdam ang tindi nito dahil walang build-up na naganap sa dalawang nagmamahalan. Halos montage lang ang ipinakita. Hindi rin maaasahan ang mga artista.


Nag-effort ang pelikulang ito na paartehin ang kanilang mga artista para hindi lang sila mukhang nakikipaglandian lang sa harap ng kamera, ngunit sayang dahil hindi talaga sila magaling umarte.


Nahigop na nang tuluyan ang kanilang acting skills.

Nailuwa ang kanilang kaluluwa sa mga sex scenes.


HIGOP

⭐️


Cast: Angelica Hart, Josef Elizalde, Fabio Ide, Lester Llansang, Zsara Laxamana, Van Allen Ong, Aila Cruz, Chloe Mendoza, Joanna David, Princess Zian, Jonica Lazo

Presented by: 2 inches of Loneliness, Inc.

Date Released: December 15, 2023 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page