top of page

HIMAS

Himas (Vivamax 2024)

Directed by: Christian Paolo Lat


Isang masahista ang hindi nagbigay ng happy ending sa kanyang customer. Isang mangingisda na walang matirahan ang tumira sa mga babae. Isang librarian na nag-top sa licensure exam ang puma-ilalim sa kanyang asawa.


Makakausad ang pelikulang ito kahit ano pa ang mga trabaho nila. Hindi naipakilala ang bawat karakter at ang kanilang pinagdaraanan sa buhay. Kung kaya’t kapag meron silang desisyon o aksyon na ginawa, kinukulang ito sa bigat.


Naghawak lang ng libro si ate ay librarian na siya. Nanghimas lang ng katawan si kuya ay masahista na siya. Nakabingwit lang ng babae si boy ay mangingisda na pala siya.


MJ Abellera’s performance is consistently lousy. On sex scenes, he lacks energy and gives nothing. Zsara Laxamana is comfortable with acting. Nabibigyan niya ng buhay ang kanyang mga eksena. Sarah Bernales’ portrayal is unstable. Minsan okay siya, minsan hindi. Felix Roco is not believable as a blind man. Parang naging joke time ang pagiging bulag niya.


Nasayang ang mga trabaho at pinaglaruan lang nila ito. Ginamit lang para magkaroon ng social commentary, pero hindi naman ito nabigyan ng hustisya.


Ang nabigyan ng hustisya sa pelikulang ito ay ang kanilang shooting location. Ang ganda ng lugar at kung paano ito kinuhanan at kinulayan.


Kapag titingnan mo lang ang palabas na ito, mukha siyang maganda at matino. Ngunit kapag inusisa at hinawakan mo na, kinukulang pa ito sa laman.


Huwag mong himasin.

Tignan mo lang.


HIMAS

Rating: 1/5


Cast: Sarah Bernales, Felix Roco, Zsara Laxamana, MJ Abellera

Writers: Maya Diaz, LA Dhera

Release Date: May 31 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1.5

Emotions:  1

Screenplay:  1

Technical:  2.5

Message:  0


AVERAGE SCORE

Himas:  1.2

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page