HOME ALONG DA RILES DA REUNION
- Jun 17
- 4 min read
Updated: Jun 17
WARNING: The full movie review contains spoilers that may reveal key plot details. Reader discretion is advised. Please proceed with caution.
Home Along Da Riles: Da Reunion (2026)
Directed by: Boy2 Quizon

Maraming butas ang pelikulang ito pagdating sa istorya. Bawat karakter ay may kanya-kanyang problema. Kahit patong-patong na ay hinayaan na lang. Hindi gaanong pinag-uusapan.
Ang kasal ni Bing ay wala masyadong preparasyon. Magugulat ka na lang na araw na pala ng kasal. Patuloy pa rin ang pamamaliit sa kakayahan ni Bob bilang isang provider.
Malalim ang mga iniisip ni Azon. Makabuluhan sana yung usapan nila kasama si Bridge, ngunit hindi na ito nasundan. Ang pagmamaltrato ng amo ni Bill ay hindi gaanong natugunan.
Ang usaping negosyo at pagiging responsable ay kinakapa pa rin nina Baldo at Estong. Kulang sa eksena si Maybe. Mababaw na diskusyon lang ang nangyari sa barangay tungkol sa demolisyon.
May kakulangan sa script. Panay iwas nila sa mga suliranin. Minsan ay hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena.
Nakakabilib ang gumawa ng umiikot na tindahan at ng riles na may tren na dumaraan. Maganda ang kabuuan ng production design, ngunit halata na hindi siya ginagamit at tinutulugan. Mas mukha siyang isang set at hindi isang tahanan na inuuwian.
Tulad ng isang pamilya, maraming problema na pinagdaraanan ang pelikula. Ngunit lahat ng iyan ay makakalimutan kapag nakita mo na silang magkakasama.
May mahikang taglay ang Cosme Family. Kuha nila ang puso at pulso ng Pamilyang Pilipino. Kahit gaano man kabigat ang problema, nagiging magaan kapag sila’y nagdadamayan. Kahit may mga pagkukulang, napupunan ito ng kanilang samahan.
Hindi nawawala ang hangarin nilang makapagbigay ng saya. Bagamat hindi lahat ng jokes ay mabenta, nakakatuwa pa ring pagmasdan ang mga lumang klase ng komedya. Yung sabay-sabay na pagtaas ng kamay papunta sa noo. Yung paghampas sa mukha kapag naaasiwa sa pagmumukha ng kaharap. Nakaka-miss ang physical comedy.
Laughtrip yung paulit-ulit na ginagawa sa pagmumukha ni Dang Cruz. Litaw na litaw ang kalog at biba niyang personality.
Ang funny ng accent at expressions ni Pepe Herrera. Malikhain kung paano niya ipinakilala isa isa ang Cosme Family. Swabe siyang humirit. Angat na angat ang kanyang confidence level.
Parang naging baby muli si Claudine Barretto. Maliban sa kanyang batang kilos at pananalita, ramdam kung paano nagiging maingat at maalaga ang kanyang mga kapatid para sa kanya.
Nasa hulmahan at tikas ni Smokey Manaloto ang pagiging kuya. Nandiyan pa rin ang appeal ni Gio Alvarez. Natural ang tambalan nina Vandolph at Boy 2 Quizon.
Taglay ni Maybeline Dela Cruz ang disiplina ng isang kapitana. Namana ni Vito Quizon ang karisma ng pamilya. Fluent magdeliver ng lines si Cita Astals. Dagdag saya ang naging presensya ng Sunog Baga Boys.
Walang kupas ang galing ni Nova Villa. Malungkot man o masaya ang eksena, agad mo siyang makakapitan sa kanyang pinagdaraanan. Kayang kaya pa rin niyang magpatawa at magpa-iyak.
Maraming cameo appearances. Yung iba ay merong linya. Yung iba naman ay nasa likod lang at kung anu-ano ang ginagawa. Pero enjoy pa rin silang makita isa isa.
Bitin ang exposure ng karamihan sa mga cast members. Ngunit habang nagtatagal, hindi na importante kung gaano man kahaba o kaiksi silang nandyan. Ang mahalaga ay nagkaroon ng pagkakataon upang magsama-sama silang muli.
Kahit hindi mo sila kilala, ramdam mo ang haba ng taon nilang pagsasama. Kahit hindi mo napanood ang original na sitcom, makaka-relate ka sa kanilang pamilya. Umpisa pa lang, may bakas na ng throwback dahil makaluma ang font na ginamit. Nakakadala ang musical scoring.
Nung nagsisigawan at nag-aaway silang lahat na magkakapatid, masakit siyang panoorin. Dahil madalas mo silang makitang nagtatawanan, akala mo ay maayos na ang lahat sa kanila. Kung kaya’t nung naglabasan sila ng sama ng loob sa isa’t isa, mabigat siya sa dibdib.
Palaban pa rin silang lahat pagdating sa aktingan. Hindi lamang sila magaling makipagbiruan, may ibubuga rin sila sa dramahan. Maliban sa pagiging komedyante, pinatunayan nilang lahat na sila ay mga ganap na aktor. Kaya nilang magdala ng mabibigat na eksena.
Kahit may problema tungkol sa demolisyon, mas mabigat ang dala nilang mga emosyon. Sa kabila ng lahat ng gulo, malinaw ang hangarin ng pelikulang ito.
Sa isang kakaiba at natatanging paraan, nagkaroon ng special appearance si Dolphy. Nakakagulat ang mismong sandaling ito. Hindi mo alam kung uusog ba ang luha mo o magpupunas ka ng mata para mabigyang linaw ang nakikita mo — sapagkat hindi malinis ang pagkakagawa.
Gayunpaman, nasa tamang lugar ang kanilang puso at ang kanilang hangarin. Ang mensahe na kanyang taglay ang dapat na mangibabaw. Siya ang naging daan upang masindihang muli ang ilaw ng tahanan. Nanatili siyang haligi upang maging matibay muli ang pamilya.
Sa kabuuan, hindi lamang ito isang ala-ala, ngunit isang paalala sa pundasyon ng Pamilyang Pilipino.
Nakakaiyak ang end credits.
Nakaka-antig ang tribute na kanilang ginawa.
Nabuhay muli ang mga ngiti ng kahapon.
Luha ang siyang tumulo ngayon.
Dahil sa paggunita, nabigyang importansya ang larangan ng komedya. Dahil din sa kantang “𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘒𝘰 𝘕𝘢𝘥𝘢𝘳𝘢𝘮𝘢” na siyang inawit ni Dolphy, nabigyang diin ang mga magagandang ala-ala.
You could call this movie nostalgia-driven, but there’s no denying that it successfully delivers the experience it sets out to provide. This reunion movie is emotionally rewarding at the end.
Despite the movie’s shortcomings, one can easily look past them, drawn in by the overwhelming emotions and deep sense of nostalgia it brings—much like a forgiving Filipino who chooses heart over flaws.
Indeed, this movie is made by the Filipino family,
for the Filipino family.
While it’s not a groundbreaking movie, it goes back to its roots, reminding us what home really means. Whether it is along the riles or on stable ground, family stands as the strongest foundation.
Home is where the family is.
This movie feels much like home.
𝐇𝐎𝐌𝐄 𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀 𝐑𝐈𝐋𝐄𝐒: 𝐃𝐀 𝐑𝐄𝐔𝐍𝐈𝐎𝐍
Cast: Nova Villa, Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Maybelyn dela Cruz, Dang Cruz, Jenny Quizon, Vandolph, Boy2 Quizon
Also Starring: Pepe Herrera, Gardo Versoza, Cita Astals, Sherilyn Reyes-Tan, Ces Quesada, Joymee Lim, Aurora Halili
Introducing: Vito Quizon, Celyn David, Ahmad AbuKawaik
Special Participation of: Epi Quizon
Screenplay by: Rhandy Reyes, Flo Reyes
Presented by: Riles Productions, TJAV Productions, Rebisco
Release Date: June 17, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Ano ang rating ninyo para sa HOME ALONG DA RILES DA REUNION?
0%5/5
0%4/5
0%3/5
0%2/5

First day ng showing ko siya pinanood at kaunti lang yung nasa movie house. How I prayed that more should watch it kaya ang saya ko when i found out that it earned 35M sa opening week.
It is really a must watch movie. Despite the technical flaws na hindi naman obvious, the nostalgia it evokes will bring tears into your eyes.
Perfect Father's Day movie ito!
Habang pinapanood ko knina sa cinehan sobra akong naiiyak kung nabbuhay lang sana si tatay kevin at mang richy😭
Sobrang nagandahan namin itong movie. Kahit ano pang reviews ang mahalaga nabigyan ng closure ang Home Along lalo na para sa mga batang 90s.
time machine
The Best Movie siya wala Akong ibang masabi!