top of page

HUGOT

Hugot (Vivamax 2023) Directed by: Daniel Palacio


Isang basketbol player na hugot mula sa ibang baranggay ang nakipaglaro sa takbo ng buhay.


Maayos ang simula at ang dulo, pero manipis ang pagkakasulat sa gitna. Mas mainam sana kung tumutok sila sa basketbol at duon umikot ang istorya. Pero nagsingit pa sila ng ibang paksa. Tapos hindi rin naman nila ito napag-usapan at nagamit nang maayos.


Matamlay ang kulay ng pelikula. Hindi ramdam ang init at ang sarap ng paglalaro ng basketbol kapag pinapanuod mo ang mga eksena.


Maganda ang mensahe ng pelikula. Pero hindi nahimay ang istorya ng pangunahing karakter. Masyadong pilit ang pagkakalagay ng mga trahedya. Kulang pa sa mga eksena ang nanay at tatay para mas magkaroon ng suntok ang huling eksena.


Simple lang ang daloy ng istorya. May mga pagkakataon na maniniwala ka sa mga gusto nilang mangyari sa kanilang buhay.


Benz Sangalang gave some decent believable acting as a leading man. Jiad Arroyo was effective and effortless as a villain. Both Azi Acosta and Stephanie Raz fit the roles, but they weren’t given enough exposure. Julio Diaz made a relevant participation as the father. Isadora Alonzo can sometimes be sincere or unnatural with her acting. Peter Georgo was underwhelming and unconvincing being a drug offender.


The movie had a good start. But lost its focus somewhere in the middle. Then found its way back home by the end.


Tamang hugot lang ang pelikula. Hindi pang 3 points ang tira, pero sapat na para maka-score.


HUGOT

⭐️⭐️

Cast: Benz Sangalang, Stephanie Raz, Jiad Arroyo, Azi Acosta, Mark Anthony Fernandez, Mickey Ferriols, Joko Diaz, Isadora Alonzo, Julio Diaz Presented by: Viva Films Date Released: June 30, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page