top of page

IKAW PA RIN ANG PIPILIIN KO

Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko (2024)

Directed by: Denise O'Hara


This is the first mainstream movie to receive a negative rating from Goldwin Reviews in recent years—not mainly because of the movie’s topic but primarily because of poor writing and direction.


The story is about a choir member who fell in love with her conductor. No heavy requirement for Aga Muhlach in terms of being a conductor, since he was just uttering musical jargons here and there.


On the other hand, Julia Barretto needs to sing like a choir member. Based on the story, she should have a good singing voice—good enough to pass auditions and to win contests. Technically speaking, Julia is a miscast and the casting director is the first to blame.


Okay sanang umarte si Julia Barretto pero kapag kumakanta na siya, sobrang hirap paniwalaan na choir member siya. Tapos yung mga totoong singers ay ginawang back-up at hindi man lang narinig ang mga boses nila sa pelikula. Hindi ito makatarungan.


Ginamit ang magandang kanta ng Cup of Joe na “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” bilang themesong, pero naging out of place lang ito. Ang sinasabi ng kanta ay napakalayo sa takbo ng istorya. Ang mga awitin ni George Canseco ang ginamit sa mismong pelikula. Sa kasamaang palad, hindi rin nabigyang halaga ang kanyang mga kanta. Siningit singit lang ang mga ito. The songs of George Canseco were not given justice.


Hindi lumalabas ang ganda ng mga kanta ni George Canseco dahil sa ginawa nila. Hindi rin lumalabas ang ganda ng Baguio dahil sa mga kuha nila. Nababawasan ang ganda ng mga bagay bagay dahil idinikit sila sa isang panget na pelikula tulad nito.


Ang babaw ng script. Hindi mo alam kung anong gusto ng mga karakter sa isa’t isa. There’s also no effort to form a bond between them. Unang pagkikita pa lang ng JULAGA sa pelikula, may semi-landian na agad. Mabilisan ang mga galawan dito. Bigla na lang magkakaroon ng harutan at halikan.


Dinaanan at binalewala ang mga isyu tungkol sa power dynamics at age gap. Sayang ang pagiging bata ni Julia Barretto at pagiging matanda ni Aga Muhlach dahil walang matinong diskusyon tungkol sa kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. Wala ring magandang usapan tungkol sa mga hilig nilang mga kanta at mga tipo nilang musika. Echepwera lang ang ex-wife ni Aga sa pelikula kahit napakahalaga ng kanyang papel sa relasyon ng JULAGA.


All important issues present in the movie were downplayed. Walang direksyon. Tumatalon ang mga eksena. Napuputol ang mga usapan. Out of focus ang mga kuha. Sabog ang sound. Ang tamad ng pagkaka-edit. Ang mga pinagsasabi nilang kaganapan ay hindi ipinapakita. Hindi sila marunong magkwento.


Mag-eat daw ng dinner ang JULAGA, pero sa susunod na eksena, breakfast ang hinanap. May ulan tapos biglang nawala na lang. Isang tawiran lang mula Baguio hanggang Maynila. Umaga sa labas pero pagpasok sa luob ay gabi na. Para kang nanunuod ng nonlinear timeline pero linear naman talaga siya.


Mula direksyon, casting, editing, pacing, cinematography, sound, script, plot, conflict, resolution, intro, ending… Lahat yun ay bagsak. Walang naibigay na maganda at mahalaga ang pelikulang ito.


Kung usapang walang katuturan,

itong pelikula ang pipiliin mo.


Kung usapang kapangitan naman, 

itong pelikula pa rin ang pipiliin mo.


IKAW PA RIN ANG PIPILIIN KO

Rating: -1/5


Cast: Julia Barretto, Aga Muhlach, Cindy Miranda, Buboy Garrovillo, Nonie Buencamino, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Janine Teñoso, Jean Kiley, Mimi Marquez, Taneo Sebastian, Frost Sandoval, MJ Cayabyab (nasa trailer at poster pero wala sa pelikula)

Story & Screenplay by: Denise O'Hara

Presented by: Viva Films

Release Date: February 7, 2024 in Philippine cinemas nationwide

Watched via advance screening at the UP Film Center last January 31, 2024

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1.5

Emotions:  -1

Screenplay:  -2

Technical:  -0.8

Message:  -1.5


AVERAGE SCORE

IPRAPK:  -1.36


The survey below was conducted before the full movie review was published.

Guess the rating

  • 5/5

  • 4/5

  • 3/5

  • 2/5


8 comments

8 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
HC
HC
Oct 24

Rico Blanco and Maris Racal should have been casted in this movie.

Like

Guest
Jun 01
Rated 1 out of 5 stars.

Aga Muhlach has grown too fat. He has the body and attire of Niño Muhlach and the pa-cute face and squeky voice of Keempee de Leon.

Like

Guest
Jun 01
Rated 1 out of 5 stars.

A movie that should not have been made.

Like

Guest
May 10
Rated 1 out of 5 stars.

Agree sa mga comments. Walang kakwenta kwenta. 0/5 sana ibigay ko.

Edited
Like

Guest
May 08
Rated 5 out of 5 stars.

This review is very on-point! Music ang dahilan kung bakit sila nagtagpo. But Julia is not a SINGER! She herself knows na sintunado sya pero ang aaudition for a choir! LOL. and this doesnt happen in real life - UNANG KITA PA LANG, NAGPAPANSIN NA KAY AGA. LOL. or maybe, I dont know with this generation. at yung susugurin mo ang conductor for your opinion and voices it out nonchalantly. LOL. like any singing movies, the cast should be GREAT SINGERS. may solo pa sya sa huli pero hindi naman nakakamangha. at ang dali2 nakamove on sa marriage separation. lol. big flop. no kilig. just eew sa harutan.

Like
bottom of page