top of page

INDAY THE MUSICAL

3 hours ago
2 min read


Kapag pinapakinggan mo ang mga linyahan, wala itong pinapatunguhan. Puro chechebureche lamang. Dahil walang laman ang kanilang pinagsasabi, dinadaan na lang nila sa sobrang OA na voice acting. Para kang nakikinig ng maginboo na nasa teatro. Waley ang mga patawa.


Paulit-ulit lang ang kanilang sinasabi. Panay banggit sa libro na bawal daw buksan. Parating may karakter na nawawala at may hinahanap. Para lang silang namamasyal sa kanto. Paikot-ikot lang sila sa entablado na walang laman.


Hindi binigyan ng effort ang stage design. Blanko siyang tingnan. Para hindi masyadong makita na walang laman ang entablado, dinadaan nila sa madilim na ilaw at mga usok. Panay gamit ng “strobe lights”. Nakakaumay siyang tingnan. Patay-sindi na lang ang parating nangyayari.


 

Ang tamad ng mga transition. Literal na pinapatay na lang ang mga ilaw pagkatapos ng bawat eksena. Maghihintay ka ng 10-15 segundo na wala kang nakikita sa stage. Sobrang haba ng mga dead air.


Watak-watak ang mga eksena. Biglang may natutulog na lang sa trabaho. May dalawang tao na naglalandian, tapos may dalawang ibon na nagtatagisan. Kung sinu-sinong karakter ang ipinapasok. Kung anu-anong problema ang dumadarating.


Ang lamya panoorin dahil hindi sila marunong gumawa ng mga matitinong eksena. Dahil wala silang maipakita, sasabihin na lang nila lahat. Ang hilig nilang ipaliwanag kung ano ang mga nangyayari. Puro exposition at explaination. Para ka na lang nakikinig sa radio program.


 

Sabog pakinggan ang mga background music. Kulang sa buhay at kaluluwa. Ang downgrade sa pakiramdam na manood ng musical, tapos hindi tunog live ang naririnig mong music.


Hindi ito musical.

Listahan lang siya ng mga random performances


Deserve ni Katrina Velarde ang palakpak at ang entablado dahil sa kanyang nakakabighani at pangmalakasan na boses.


Kawawa ang mga artista. Hindi sila nagagabayan nang maayos. Para silang nasa first day ng rehearsal. Binabasa ang first draft ng script. Maraming nag-bu-buckle. Need ng major revision ang buong palabas.


Hindi pinag-isipan ang blocking. Basta na lang silang pinapatayo kung saan saan kahit hindi magandang tingnan. Ang joketime nung apat na beses silang palipat-lipat ng posisyon sa stage, tapos naririnig mo silang naglalakad habang nakapatay ang ilaw.

 

Ang lousy ng mga eksena. Nawawala ang tunog ng mic. Ang cheap tingnan ng set. Andaming intermission dahil puro itim ang madalas makita. Nakatunganga ka na lang sa kawalan.


Walang direksyon ang palabas. Hindi siya mukhang pinaghandaan. Ampanget ng script. Hilaw na hilaw.


Nakakalungkot na umabot sa 3,800 pesos ang ticket price, pero hindi man lang umabot sa bare minimum ang kanilang naipakita. Substandard ang quality.


Mapapasabi ka na lang ng Juskoday

sa kinahinatnan nitong Inday.


Malakas ang laban ni Inday

bilang worst musical of the year.

 


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page