Isang Himala (MMFF 2024)
Directed by: Pepe Diokno
More limelight is given to the visuals, leaving the characters on the background. The production design is aesthetically beautiful, but it’s not fully utilized. The cinematography looks like a caricature, losing the sense of reality in every scene.
Ramdam na ramdam ang kahabaan ng pelikula. Hindi maganda ang takbo ng istorya. Biglang napuputol ang mga eksena. Wala kang masyadong sinusundan na karakter.
May nangyayaring kaguluhan pero walang dating. Hindi ka konektado sa kanila. Dahil dito, nawawalan ng bigat ang mga kanta. Maganda sanang basahin ang mga liriko, pero hindi maganda ang mga tono.
Mosts songs have no distinction from one another. They sound the same especially when they’re played next to each other. “Gawin Mo Akong Sining” is an exception. It instantly stood out from the rest with its catchy melody and compelling lyrics.
Madalas ay maganda ang paggamit ng ilaw. Nag-iiba ang kulay nito depende sa mga nangyayari sa kanila. Ngunit minsan ay madilim ito at hindi na nakikita ang mukha ng artista kapag siya ay umaarte o umiiyak. Hindi bagay na mag-ina sina Bituin Escalante at Aicelle Santos.
May ilang pagkakataon na hahanapin mo kung nasaan ang bida dahil madalas ay nawawala siya sa mga eksena. Gayunpaman, kapag siya’y nandiyan, ramdam ang kanyang presensya.
Pangmalakasan ang boses ni Aicelle Santos at damang dama ang kanyang mga inaawit. Hindi rin siya nagpahuli sa aktingan. Si Kakki Teodoro ang nagbibigay ng kiliti at anghang sa mga eksena. Nakakatuwa siyang panuorin.
Maayos umarte lahat ng artista sa pelikulang ito. Malinis silang umawit. Ang mga salita ay nabibigkas nila nang maayos. Makabuluhan ang kanilang mga sinasabi. Ang ginagawa ng mga artista ang nagpapa-angat sa pelikulang ito.
Makita lang ang teatro sa big screen ay isang malaking bagay na. Ang pagtitipon ng magagaling na artista ay isang himala na.
The talent of the ensemble is the living miracle in this film.
𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗠𝗔𝗟𝗔
Rating: 2/5
Cast: Aicelle Santos, Bituin Escalante, Neomi Gonzales, Kakki Teodoro, David Ezra
Written by: Ricky Lee, Vince de Jesus, Jose Lorenzo Diokno
Visual Effects by: Green Maya, Engine Room
Presented by: Kapitol Films/Unitel, CMB Film Services, CreaZion Studios
Release Date: December 25, 2024 in Philippine cinemas nationwide
Release Date: December 25, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
POSSIBLE NOMINATIONS:
Best Actress (Aicelle Santos)
Best Supporting Actress (Kakki Teodoro)
Best Cinematography
Best Production Design
Best Sound Design
Best Themesong
Best Ensemble
Comments