top of page

ITUTUMBA KA NG TATAY KO

Itutumba Ka Ng Tatay Ko (2024)

Directed by: Janno Gibbs


A daughter wishes her dad to be brave

to protect her from bullies.


Pasado bilang mag-ama sina Janno Gibbs at Xia Vigor, ngunit kulang pa sila sa mga bonding moments at sa mga sincere na usapan. Kapos din sa mga pangaral at leksyon ng isang ama para sa kanyang anak.


Estudyante si Xia Vigor dito, pero hindi mo siya nakikitang nag-aaral. Pumapasok sa ekswelahan, pero walang klaseng nagaganap.


Teacher si Louise delos Reyes dito, pero hindi mo alam kung ano ba talaga ang tinituro niya at parating nasa lobby o hallway lang siya ng ekswelahan at nakikipagharutan.


Ang karakter ni Janno Gibbs ay mahilig sa action movies at ang trabaho niya rito ay assistant ng direktor. Sayang ang pagkakataon na paglaruan pa ang mga eksena sa kanyang trabaho base sa kanyang hilig sa pelikula. Bihira mo lang siyang makitang nagtratrabaho sa set.


Mahirap suportahan ang kanyang karakter dahil may mga ginagawa siyang hindi tama at hindi magandang ehemplo. Hindi rin ito naitutuwid sa pag-usad ng kwento.


Naitatawid nila ang karamihan ng mga patawa. Minsan, walang dating. Pero madalas, nakakakapagbigay naman sila ng ngiti at saya. May mga eksena na kahit alam mo na kung ano ang mangyayari, pagtatawanan mo pa rin.


The antics of Anjo Yllana are cute and harmless. His character is supportive and his performance falls under the best supporting comedy actor category.


The appearance of Ronaldo Valdez is the movie’s most precious moment. His special participation was indeed special and memorable. His character is vital to the story. His presence gave a deeper meaning to the movie’s title.


There are some references from other movies—local to foreign and 90s to present. Some of them bring back memories, and some can make you smile. Cinematography and color grading are okay, while the continuity and editing are not seamless.


Kahit may pagkukulang sa ilang mga bagay, nagpatuloy lang sila sa pagkwento. Naging tapat ang mga aktor sa kanilang pagganap. Hindi sila napagod na magbigay ng mga jokes.


Dahil sa mga simple nilang patawa,

nanatiling nakatayo ang pelikula.

Hindi sila natumba.


ITUTUMBA KA NG TATAY KO

Rating: 2/5


Cast: Janno Gibbs, Xia Vigor, Louise delos Reyes, Mark Anthony Fernandez, Robb Guinto, Ronnie Henares, Jeric Raval, Anjo Yllana, Billy Villeta, Juliana Parizcova Segovia, Christian Ylagan, Jeron Pabalan, with the special participation of Ronaldo Valdez

Story by: Janno Gibbs

Screenplay by: Charrie Avendaño, Joma Labayen

Presented by: Viva Films

Release Date: January 24, 2024 in Philippine cinemas nationwide

Watched via premiere night last January 22, 2024

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  2

Emotions:  2.5

Screenplay:  2

Technical:  2.2

Message:  1.5


AVERAGE SCORE

Itutumba Ka Ng Tatay Ko:  2.04

0 comments

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
bottom of page