top of page

JAMES AND PAT AND DAVE

James And Pat And Dave (2020)

Directed by: Theodore Boborol


Napakagaan panuorin ng pelikulang ito, dahil wala silang ibang ginawa kundi pasayahin ka.


Si Awra ang leader ng good vibes. Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa tuwing magsasalita sya — either ngumiti ka or tumawa. Saludo ako sa napakataas nyang energy na kailanman ay hindi bumaba. Never a dull moment with Awra.


Kapag ang hangarin ng isang pelikula ay makapagbigay ng saya, walang eksena ang naaaksaya. At yun ang naging panata nila.


Simula pa lang, andami na nilang binigay na catch phrase at word play that are sure worth the fun times. Most lines are written with wit. Most scenes are crafted with good entertainment.


Hindi mabigat ang istorya. Simple ang mga persona. Basic ang formula. They set the tone and expectations on the ordinary level, thus anything greater than that comes to a surprise.


Loisa Andalio comes as the biggest revelation. Her perseverance is evident in every scene. A promise of a new star. She shined the brightest during that walwal scene wherein she talked about self-worth. Pinakita nya sa lahat kung bakit sya ang nararapat na maging si Pat.


Sa gitna ng malakas na tawanan, sya ang nakapagbigay ng taos-pusong iyakan at masinsinang usapan. — I wish the film had more of these elements.


Storytelling with a touch of sincerity and reality is the missing ingredient in this movie. They always show exciting moments. But how did they get there?


Sunod sunod ang pagpapatawa. Minsan ay nakakalunod na. Nawawalan ng magandang daloy ang istorya. Yung agos ng pamumuhay nila ay nawawala.


Gusto mo maintindihan si James at makapasok sa mundo ng mga hindi pinipili. Pero hindi sayo pinadama ang anggulo na yun.


Gusto mo makilala ang pamilya ni Pat at ang pinagdaanan nya sa buhay. Pero hindi ka dinala sa paglalakbay nya.


Gusto mo mainis kay Dave dahil iniwan nya si Pat nuon. Pero walang binuo na pundasyon para pang-hugutan mo.


Hindi malakas ang kapit mo kina James & Pat & Dave, dahil hindi mo sila nakilala nang lubusan. Nandyan lang sila para pasayahin ka.


Kaya nais kong sasabihin ulit. Napakagaan panuorin ng pelikulang ito, dahil wala silang ibang ginawa kundi pasayahin ka.


JAMES AND PAT AND DAVE

⭐️⭐️


Cast: Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Donny Pangilinan, Awra Briguela, CJ Salonga, Myrtle Sarrosa, Odette Khan, Bodjie Pascua

Presented by: Star Cinema

Date Released: February 12, 2020 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page