top of page

JAPINO

Japino (Vivamax 2023)

Directed by: Freidric Macapagal Cortez

Apat na Pilipino ang nasa Japan.


Hindi nila naipakita kung paano mabuhay sa Japan. Sinabi lang nila na waiter sila atsaka masahista at dancer. Dinaan na lang sa narration tapos yun na yun. Lakad dito. Lakad doon. Tumagal ang oras sa kakalakad nilang lahat.


Mukhang namamasyal lang sila sa ibang bansa at naisipan biglang gumawa ng pelikula. Parang ginawang rason ang Vivamax project na ito para makapag-bakasyon sila sa Japan.


Sa lahat ng Vivamax movies, eto na yata ang pinaka-kapos sa sex scenes. Mabuti sana kung napunta ang oras sa ibang mahahalagang bagay, pero kapos na kapos rin sila sa pagkwento.


Kulang-kulang na nga sa sex scenes.

Kulang-kulang pa sa kwento ang 𝘑𝘢𝘱𝘪𝘯𝘰 na ito.

JAPINO

Rating: 0/5

p.s. Silang apat rin ang bida sa isa pang Vivamax movie na “Hosto” kung saan parang namamasyal din sila sa Japan.


Cast: Vince Rillon, Angela Morena, Ali Asistio, Denise Esteban, Takuhei Kaneko, Tora Hara, Lara Morena

Presented by: Center Stage Productions

Date Released: November 10, 2023 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page