Kabit (Vivamax 2024)
Directed by: Lawrence Fajardo
Kadalasan kapag Vivamax, ang unang eksena ay kantutan agad. Pero dito sa palabas na’to, 35 minutes na ang lumipas, wala pa ring naghuhubad.
Concentrate lang sila sa pagkwento.
Ang mga karakter sa kwentong ito ay mahilig sa teatro. Naka-kabit ang kanilang buhay sa entablado. Magarbo ang mga costume at ang production design. Pasok sa tema ang ginawa nilang intro at extro para sa pelikula.
May magandang usapan dito sa pagitan ng manunuod at ng Direktor. Napangitan ang manunuod sa palabas na kanyang napanuod at nagpaliwanag ang Direktor kung bakit. Sabi ng manunuod na hindi ka pwedeng magpaliwanag sa lahat kung bakit ganun ang kinalabasan ng palabas.
The movie should speak for itself.
Kaunti lang ang nasabi ng pelikulang ito tungkol sa temang kanilang napili. Hindi nila gaanong naipakita kung paano bumuo ng isang dula. May isang workshop at ilang rehearsal lang na ipinakita, pero hindi ito sapat para pahalagaan mo ang ginagawa nila. Hindi rin naibahagi kung bakit teatro ang napiling larangan ng bawat karakter.
Hindi maayos ang flow. Hindi malinis ang editing. May mga eksenang magkasunod na hindi dapat magkasunod. Nakaka-distract ang plaster at ang fake penis. Sana hindi na lang ipinakita.
Hindi bagay kina Angela Morena at Victor Relosa ang maging theater actors dahil kulang sila sa tindig at hindi maganda ang kanilang phrasing sa mga salita. Pero kapag wala na sila sa entablado, matino silang umarte. Ang konti lang ng eksena ni Dyessa Garcia para pagtuunan mo siya ng pansin.
Si Onyl Torres ang tunay na bida sa pelikulang ito dahil siya ang pinaka-natural at magaling sa lahat. Sumunod sa kanyang husay ay si Neil Tolentino.
Bagay kay Josef Elizalde ang maging sexy comedy theater actor dahil nasasabi niya ang kanyang mga linya nang may halong kalibugan at kalokohan.
On the last few scenes, the characters did some things out of desperation and frustration. It was a good paradox since they started out with passion. The movie title was used to complement the last scene. Kailangan pang ayusin ang mga kaganapan sa gitna, pero ang nangyari sa umpisa at sa dulo ay naka-kabit sa isa’t isa.
What started out with passion
ended up with desperation.
Are these two always connected?
KABIT
Rating: 2/5
Cast: Angela Morena, Josef Elizalde, Victor Relosa, Dyess Garcia, Lara Morena, Onyl Torres, Naths Everett, Neil Tolentino, Frannie Zamora, Omar Flores
Story by: Lawrence Fajardo, John Bedia
Screenplay by: John Bedia
El Querido Play by: Jim Flores
Presented by: Vivamax, Pelikulaw
Date Released: February 23, 2024 via Vivamax
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 1.5
Emotions: 1.5
Screenplay: 2
Technical: 3.2
Message: 2.5
AVERAGE SCORE
Kabit: 2.14
Comments