Kahalili (Vivamax 2023) Directed by: Bobby Bonifacio Jr.
Isang babae ang napili upang maging kahalili.
Kalahating oras na chukchakan. Sampung minuto para sa kwento. Isang oras para sa mga chechebureche.
Mahilig silang maglagay ng kung anu-anong simbolismo. Tapos sasabayan ng nakakatakot na tunog para kabahan ka sa mga nakikita mo kahit wala pa namang nangyayari.
Magsasalin ng gatas sa mga taong nakanganga. Magpapakita ng mga dugo, baboy, bulaklak, at latigo. May penetensyang nagaganap maya’t maya. Kahit ano ay gagawin nila para magmukhang nakakatakot ang pelikula. Pagdating sa huli, doon nila sasabihin kung bakit. Kahit ending lang ang madatnan mo, makakahabol ka pa rin sa kwento.
Andaming sex scenes at antagal ng bawat isa. Pagkatapos magbihis, ang susunod na eksena ay hubaran na ulit.
Malinis ang mga kuha. Maayos ang pagganap nina Sid Lucero, Victor Relosa, at Mercedes Cabral. Kulang pa sa emosyon si Stephanie Raz. Pinaka-joke time ang aktingan ni Millen Gal.
Madalas mong makita ang dalawang bidang babae sa mga eksena. Kung nakakadala ang kanilang pag-arte, baka nakaraos pa ang buong pelikula. Baka maitawid pa ang gusto nilang sabihin. Pero sa ngayon, kailangan nila ng kahalili.
Imbes na magmukhang nakakatakot, nawalan ito ng presensya at ito’y naging nakakabagot.
KAHALILI Rating: -1/5
Cast: Stephanie Raz, Sid Lucero, Victor Relosa, Millen Gal Presented by: Viva Films Date Released: August 18, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments