top of page

KAKA SA YAWAN

Aug 9
2 min read

Updated: Aug 10

Kaka sa Yawan / Brothers by the River (Cinemalaya 2026)

Written & Directed by: Alpha Habon

 

Minsan sa buhay, hindi mo malalaman kung ano ba talaga ang kulang hangga’t hindi mo pa ito tuluyang nararanasan.


Tulad ng pelikulang ito, saka mo lang lubos na mauunawaan ang ganda kapag umabot ka na sa dulo. Hindi mo aakalaing may marka pala itong maiiwan.

 

 

Napaka-cute panoorin ng mga bata sa kung ano man ang kanilang ginagawa. Ang mga linyahan nila ay makulit ngunit makabuluhan. Nasa hulog ang mga sinasabi. Patok din ang kanilang mga punchlines.


Dahil natutuwa ka sa mga bata, maigi mong papanoorin ang kanilang paglalakbay. Mula sa pagtanggal lang ng medyas hanggang sa paggamit ng cellphone, nakatutok ka.


Kalmado lang ang palabas. May sapat na oras upang pagnilayan ang ganda ng istorya at ng kalikasan.


Kahit tahimik lang ang pelikula, andami nitong pinapatamaan. Kahit hindi bigyang-diin, ang mga isyu ay kapansin-pansin. Kahit hindi masyadong pinag-uusapan, ramdam pa rin kung ano ang gusto nitong sabihin.


Ang mga tradisyon at kultura ay naibahagi nang hindi ipinagsisigawan. Ang halaga ng edukasyon at transportasyon ay naipakita.

 

 

May instant chemistry ang tambalang Bryce Nicolo Mercader at Dennis Dato. Ang kanilang pagkakaibigan ay mabilis mong kakapitan. Napaka-charming ni Deanne Bautista. Kulang pa sa emosyon si Beaver Magtalas. Natural ang galing na ipinapamalas ni Noelle Polack.


Kapag napupunta na sa matatanda ang usapan, medyo lumalaylay na. Gayunpaman, importanteng bahagi pa rin ito ng istorya.

 

 

Kapag binalikan ang lahat, mapagtatanto na marami na pala silang pinagdaanan. Minsan, hindi mo malalaman kung ano ang kulang hangga’t hindi mo pa ito mismo naranasan.


Kung ano ang meron at ang wala, kung ano ang nasa gitna ay siyang naibahagi ng pelikula.


Like a river that flows, you have to live through the waves and see where they’ll take you. Rocks along the way might weigh you down, but they’ll make the journey deeper. By the end, you’ll be surprised by how far you’ve come.


The credit roll is the best part of the film—not because it already ended, but because it happened. While the song 𝘒𝘢𝘯𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 plays, we have memories to look back on which poignantly capture the journey of the characters. The lyrics hit hard. Jhino Bilbao’s interpretation of the song makes it even more emotional.


𝘕𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘱𝘢 𝘣𝘢…

𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘺 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘪𝘵𝘢?


Ang sagot ay oo.

Ang 𝘒𝘢𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘠𝘢𝘸𝘢𝘯 ay nakatawid sa puso.


𝐊𝐀𝐊𝐀 𝐒𝐀 𝐘𝐀𝐖𝐀𝐍

Cast: Beaver Magtalas, Bryce Nicolo Mercader, Dennis Dato, Deanne Bautista, Noelle Polack, Nikki Valdez, Luis Alandy, Karl Medina, Queenay Mercado, Benedix Ramos

Release Date: August 6-18, 2026 for Cinemalaya

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page