top of page

KALIWAAN

Kaliwaan (2022)

Directed by: Daniel Palacio


Nakita ni Boogie na may kasamang ibang lalaki ang nobya niya. Nagdilim ang kanyang paningin, kaya pinukpok niya ng bato ang lalaki.


Hindi sapat ang interpretasyon ni Vince Rillon para sa matinding galit na nararamdaman ng kanyang karakter na si Boogie. Mabilis tumulo ang kanyang luha, ngunit kulang pa sa emosyon.


Angat na angat si Irma Adlawan sa kanyang papel bilang maalagang nanay ni Boogie. Ramdam mo ang kanyang pag-aalala sa anak.


Tensyon at kaba ang nangibabaw sa pelikulang ito. Hindi mo alam kung hanggang saan sila dadalhin ng kaharasan, kaya nakaabang ka lang buong magdamag.


Nakakadala ang huling mga eksena. Tatatak ito sa’yo. Siguradong magiging ma-ingat ka na sa mga kilos mo.


Violence is never the answer.

But this movie chose violence.

It worked to empower their main message.


Their secondary message is a different case. They incorporate many subtopics such as religion, incest, sex work, poverty, broken family, justice system, animal cruelty… and the list actually never ends.


They try to be relevant on many things

but ended up showing nothing.


Random scenes are shown to create pointless noise. Andaming palamuti ang inilagay para mag-mukhang mabigat. Hindi tumutugma ang mga eksena sa mga gusto nilang sabihin.


Kaliwa’t kanan ang mga pinapakita.

Kaya ang pelikulang Kaliwaan

ay nauwi sa kawalan.


KALIWAAN

⭐️⭐️


Cast: AJ Raval, Vince Rillon, Irma Adlawan, Juami Gutierrez, Raion Sandoval, Mark Anthony Fernandez

Date Released: April 29, 2022 via Vivamax

Presented by: Viva Films, Centerstage Productions

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page