Kapalit (Vivamax 2024)
Directed by: Carlo Alvarez
Isang nurse ang nakipagsex sa luob ng ambulansya. Ano ang kapalit ng kanyang kabastusan?
Hindi mo makitaan ng magandang ugali ang lahat ng karakter dito. Lahat sila ay pwede mong balewalain. Wala sa katinuan ang mga ginagawa nila. Mema na lang para sa plottwist.
Walang effort na maglagay ng eksena kung ano ang tunay na ginagawa ng isang nurse. Walang kwenta ang job interview na naganap sa labas ng gate ng bahay. Puro kasamaan lang ang naidulot ng palabas na ito para sa kanilang propesyon.
Mabilisan ang tuksuan. Halos walang pang-aakit na nangyari. Sabik na sabik lang makipagkantutan. Hindi na pinag-isipan kung paano gagawin at magsisimula ang pakikipagtalik.
Nakakainis si Chad Alviar pero sumakto naman sa kanyang karakter. Dinadaan sa sigaw ni Rica Gonzales ang pag-arte. Minsan ay okay si Cess Garcia. Gumagaling si Matt Francisco kung ikukumpara sa kanyang naunang Vivamax movies, pero kulang pa rin sa pagbigay ng nararapat na emosyon.
Ang panget ng audio dubbing. Ang tamlay ng color grading at cinematography. May ilang linya sa script na pabibo, pero walang sustansya sa kabuuan.
Pwede bang hanapan ng kapalit
ang ganitong klaseng istorya?
KAPALIT
Rating: -1/5
Cast: Cess Garcia, Rica Gonzales, Matt Francisco, Chad Alviar, Mikharl Padua, Athena Moran
Written by: Gelo Catamio, Maya Diaz
Presented by: Vivamax
Release Date: March 8, 2024 on Vivamax
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0
Emotions: 0
Screenplay: -1
Technical: -0.2
Message: -2
AVERAGE SCORE
Kapalit: -0.64
Comments