top of page

KAPENG BARAKO CLUB

Kapeng Barako Club (2024)

Directed by: Lendro Enore

Written by: Juan Ekis

Presented by: UST Teatro Tomasino


Sabi nila… kapag gusto mong makilala ang isang tao, dalhin mo siya sa kapehan. Duon mo siya makikilala. Tama ba yun?


Habang tumatagal ang panunuod mo sa palabas na ito ay mas nalalasahan mo siya. Paiba-iba ito ng timpla, pero consistent ang tama niya.


May tama ang mga linya. May sipa ang ilang punchlines. May kilig ang ilang tambalan. May epek ang ilang aktingan.


Sa simula, tunog artificial ang ilang aktor pag nagsasalita. Ngunit habang nakikilala mo na ang mga karakter, mas nagiging natural na ang daloy ng mga usapan.


Nagsimulang artificial.

Nagtapos nang natural.


Pinaka-natural umarte si Anj Toong. Magaling magbitaw na linya si Beryl Romero, at ang lakas ng kanyang presensya.


Most actors are reliable. The lines are relatable. The stage design looks like a coffee shop. The transitions could’ve been smoother, and the lights could’ve been utilized further. But overall, it’s pretty decent for a university play.


May igaganda at itatatapang pa, ngunit hindi mo naman pagsisihan kapag ito’y iyong natikman.

0 comments

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
bottom of page