top of page

KARINYO BRUTAL

Karinyo Brutal (Vivamax 2024)

Directed by: Jose Javier Reyes


May dalawang bahay at ang mga nakatira duon ay mahilig makipagsex. Isang Karinyo at isang Brutal.


Parang tuod umarte si Armani Hector. Kapos na kapos si Apple Dy sa matitinding mga eksena. Kulang sa bitamina si Ghion Espinosa. Hindi nakakatakot panuorin si Benz Sangalang. Hindi matino ang akting ni Manang Medina, pero nakakatawa siyang panuorin.


Ang pasado lang sa aktingan dito ay si April Anne Aguila Dolot. Mas nakaka-enganyo pang panuorin ang mga ganap sa kanyang karakter at yung sa Driver kaysa sa mga bida.


Wala masyadong kwento sa palabas na’to. Puro palabas lang sila. Nangangalahati na, hindi pa rin umuusad ang istorya. Sa huling mga minuto na lang natuloy ang kwento.


Hindi okay ang scoring. Wala pang nangyayari, pero tunog nakakatakot na. Tapos nung may nagkakasakitan na, ang kalmado naman ng tunog. Ang tamlay at ang tahimik ng karamihan ng mga eksena.


Hindi pinag-isipan ang mga sex scenes. Basta lang may hubaran, halikan, at bastusan. Halatang peke ang mga posisyon. Hindi shoot sa banga. Ang OA ng mga kilos at ng mga ungol.


Sex scenes na nga lang pakay ng mga tao rito.

Hindi pa magawa nang maayos.


Paano ba maging hindi Brutal sa pelikula?


Mahirap maging Karinyo

sa mga palabas na ganito.


KARINYO BRUTAL

Rating: 0/5


Cast: Apple Dy, Armani Hector, Ghion Espinosa, Benz Sangalang, Manang Maebelle Medina, Aries Go, Caira Lee, Eddie Lang, April Anne Aguila Dolot

Written by: Jose Javier Reyes

Presented by: Vivamax, LargaVista Entertainment 

Date Released: January 12, 2024 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: -1

Emotions: 0

Screenplay: -1

Technical: 0.2

Message: 0


AVERAGE SCORE

Karinyo Brutal: -0.36

1 comment
bottom of page