top of page

KIDNAP FOR ROMANCE

Kidnap For Romance (2023)

Directed by: Victor Villanueva


A millionaire and his kidnapper

find romance with one another.


Nag-work ang Empoy-Cristine loveteam. Ang cute ng chemistry nila. Hiyawan kapag sila’y naghaharutan, lalo na dun sa pinakahuling ginawa nila.


Maraming eksena na nakakatawa. Nung una, medyo corny pa. Pero nung naka-bwelo na, sunod-sunod na ang mga benta. Pati ang mga ekstra, tulad ni kuyang bodyguard at taxi driver, ay may ambag sa pagpapatawa.


Nakakaaliw ang itlog scene ni TJ Valderrama at ang iba pa niyang ipinakita. Patok ang mga hirit na pang-GenZ ni Kyo Quijano. Effective ang nakakalokang pang-aakit ni Marnie Lapus. Pagtatawanan mo ang mga kalokohan ni Empoy Marquez na tanging siya lang talaga ang makakagawa.


Sayang ang pagiging mayaman na businessman ni Empoy dito dahil hindi masyadong nagamit sa istorya at sa mga eksena. Wala ring masyadong kwento ang pagiging mahirap at kapit sa patalim ni Cristine. Kulang pa sa mga sincere at sweet moments. Napunta karamihan sa tawanan at ito’y naging matagumpay naman.


Marami silang baon na punchlines

at hindi sila naging maramot sa pag-share nito.


Kung meron mang na-kidnap dito,

yun ay ang kalungkutan mo.


KIDNAP FOR ROMANCE

⭐⭐⭐️


Cast: Empoy Marquez, Cristine Reyes, TJ Valderrama, Kyo Quijano, Marnie Lapus, Yayo Aguila, Archi Adamos, Nikko Natividad, Collet Kulot Daylusan, Jeric Raval, Boboy Garrovillo

Presented by: Viva Films

Date Released: September 6, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page