top of page

KUNG PAANO SIYA NAWALA

Kung Paano Siya Nawala (2018)

Directed by: Joel Ruiz


JM de Guzman has face blindness wherein he easily forgets the faces of the people he meets.


It’s easy for this movie to tell his condition and give awareness. But it’s hard for them to share his story and raise empathy.


Ito yung palabas na pilit ipamumukha sayo ang karamdaman ng karakter. Pero hindi mo makuhang mahalin at intindihin. Because they won’t give you reasons and scenarios to care for their story.


Gusto mong maawa kay JM, because his face blindness makes him blind too with the beautiful things around him, such as family, friends, career and love. But as you look closer into his character, you’ll see no deeper reason to appreciate him further.


Lahat ng mahahalagang bagay na sana ipinakita nila ay wala. His process of acceptance, healing and recovery is not shown. His own character is also missing.


Who is JM in the first place?

Sino ba sya maliban sa isang taong may sakit?


You wanted to see kung ano ang nakikita ni Rhian Ramos sa katauhan nya. It seems like they are each other’s cure. Pero bigo silang ipakita yung ganda ng pagmamahalan nila.


Sa tuwing may pagkakataon na pwede nilang pag-usapan ang magagandang bagay, parati nilang puputulin at magsisimula ng panibagong usapan. All their conversations are not leading to a single direction. Lahat ng usapan nila ay napupunta sa wala.


Sa mga usapan ka na nga lang pwedeng kumapit.

Pero pati yun ay parati nilang pinagkakait.


Pinagkait nila sa atin na makilala ang isang taong pwede mong mahalin at intindihin. Nawala sila sa kanilang hangarin. Nabulag sila sa sarili nilang sakit.


This movie only presented a sick person in a literal sense, more than a person beyond his sickness. — And that’s how they got lost.


KUNG PAANO SIYA NAWALA

Rating: 0/5


Cast: JM de Guzman, Rhian Ramos, Agot Isidro

Presented by: TBA Studios

Date Released: November 14, 2018 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews



0 comments
bottom of page