KUSINERANG BULAG
Kusinerang Bulag (2026)
Written & Directed by: Boboy Yonzon

Hindi ito kailanman nabulag sa kanilang hangarin — kahit magkakasunod na problema na ang dumarating. Sa tuwing magkakaroon ng dilim, liwanag pa rin ang nananaig.
Minsan, mahirap paniwalaan ang mga nangyayari dahil sa swerte at biyayang kanilang natatanggap. Ngunit ang posibilidad ay hindi malayo sa katotohanan. Nakakagaan sa loob ang mga desisyong ginagawa ng mga karakter.
Maraming nangyayari sa istorya. Dahil dito, hindi siya nakakainip panoorin. Parati kang may inaabangan. Halu-halong emosyon ang naipadarama.
Ngunit sa kabilang banda, nawawalan ng direksyon ang pelikula dahil sa dami ng ipinapakita. Para siyang teleserye na may sampung kabanata, tapos kaunti lang dun ang inilaan para sa Kusinerang Bulag.
Mas bagay na pamagat ang “micro bank” dahil hard sell ang pag-promote sa kanilang loan services.
Imbes na ipakita ang kanilang paghihirap at pinagdaanan, mas nagkaroon pa ng oras para sa bangko. Kaunting salita lang ay nagkakaroon agad ng solusyon sa problema.
Dahil mabilisang nalulutas ang lahat, hindi masyadong ramdam ang linamnam ng tagumpay.
Matagal bago mabulag ang kusinera. Madalas kang kakabahan kung kailan ba mangyayari ang aksidente — hanggang sa nakakawalang gana na siyang masaksihan. Bahala na kung saan sila dalhin ng tadhana.
Sa tuwing naliligaw ang pelikula, ang konsepto ng pagiging pamilya ang siyang sumasagip dito.
The film’s best ingredient is the warmth of a Filipino family. Throughout the story, there’s an assurance that no one has to face their problems alone. Whenever life weighs one of them down, the others are there to pick them back up.
The bond between the sisters is heartening to witness. At first, it’s hard to picture them together. They look so different that even their outfits seem out of sync. But as their love for each other comes through, you start to appreciate their relationship.
Pagdating sa pagmamahal sa pamilya, hinding-hindi nauubusan si Jennica Garcia. Kahit akala mong wala na siyang maibigay, meron pa rin siyang naihuhugot mula sa kanyang karakter.
May ibubuga si Sam Samarita. Makikitaan siya ng potensyal sa aktingan.
Sa kabuuan, maayos ang naging pagganap ni Arra San Agustin — lalo na sa magagaan na eksena. Ramdam ang kanyang suporta kapag kailangan na niyang umalalay sa kanyang mga kapatid at magulang.
Pagdating sa oras kung kailan kailangan na niyang dalhin ang pelikula bilang pangunahing karakter, kinakapos siya sa kanyang pagganap. Kulang pa sa bigat at hugot ang kanyang mga luha. Ang ikli rin ng mga eksenang ibinigay sa kanya kung saan siya ay naging bulag.
Pampagana ng eksena si Flordeliza Taña. Kapag siya’y nagpapakita at nagsasalita, nakakapaghatid siya ng saya.
Sa kahit ano mang okasyon, pangunahing putahe man o panghimagas, magaling maghain ng eksena si Jean Garcia.
May angking sarap kapag pinapanood silang magkakasama dahil ramdam na pamilya ang turingan nila sa isa’t isa.
Kahit maraming hindi pagkakaunawaan, mabilis ding lalambot ang inyong mga puso. Mabilisan ang mga desisyon nila sa buhay, ngunit nakakaantig pa rin itong matunghayan. Parating nangingibabaw ang kanilang samahan.
Kapag may kainan at handaan, may pahapyaw na impormasyon kung saan ito galing. Mula sa Wakay rolls, Ivatan recipes, at Vunung festival, nagkaroon ng pampagana upang matakam sa kanilang mga pagkain at kultura.
From food trivia to family matters, the film always has something to share. Some moments get cheesy, but what stays with you is how uplifting it all feels.
Even in its darkest hour, it keeps finding light and never lets despair blind it. Even when the scenes look raw, it’s always cooking with love.
𝐊𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐆
Cast: Arra San Agustin, Jennica Garcia, Sam Samarita, Jean Garcia
with: Victor Neri, Flordeliza Taña, Harmony Francisco, Angel Colores, Sophia Shrestha
Presented by: Bente Productions Inc.
Release Date: December 9, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments