top of page

LANAYA

  • Mar 26
  • 2 min read

Lanaya (Sinag Maynila 2026)

Written & Directed by: Clyde Capistrano


Raw footages na pinagsama-sama ang pakiramdam habang pinapanood ang pelikula. Papunta na siya sa documentary. Hilaw ang mga eksena.


Kulang sa color grading. Kapag nakakita mo ang mga tao, pares-parehas silang namumuti. Marumi ang sound design. Kung hindi sobrang hina ng kanilang boses, bigla na lang lalakas.


Kapos sa editing. Ang haba ng mga eksena kahit walang nangyayari. Andaming tengga moments. Andaming pwedeng tanggalin. Hindi pang-full-length ang ipinakitang istorya.

Maganda sana ang ending, pero hindi maganda kung paano nakarating dun. Walang kaba at tensyon. Hindi nahulma nang maayos ang kinalalagyan nilang sitwasyon.


Monotonous ang phasing. Mahinahon ang mood, pero climax na pala. Nag-hire ng nurse pero walang pag-aalaga na nagaganap. Naglalaro sila ng chess, pero hindi pinapakita ang moves.


Madeleine Nicolas is believable and effortless in the way she speaks and moves. You wouldn’t think Rolando Inocencio is acting, as it comes off naturally. A promising actor, Shaun Salvador has a grounded presence and an expressive face. He could use some guidance and direction in channeling his emotions during crucial moments. Given the right material, he has the potential to be more.


Hindi naipapakita ng mga detectives kung gaano ka-importante at ka-delikado ang kanilang ginagawa. Wala ring sense of urgency ang atake sa mga eksena. Pagdating sa dulo, magtagumpay man sila ay hindi na rin mahalaga.


Simula pa lang, pinakawalan ka na nila kaagad dahil wala kang makapitan.


Ang iyong isipan ay wala na sa sinehan… Layana.

Ang iyong interes sa istorya… Lana.


𝐋𝐀𝐍𝐀𝐘𝐀

Cast: Shaun Salvador, Jun Nayra, Rolando Inocencio, Madeleine Nicolas

Presented by: Bipolaroid Film Fund

Release Date: March 23-29, 2026 for Sinag Maynila

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page