top of page

LANGITNGIT

Langitngit (Vivamax 2023)

Directed by: Christopher Novabos


May langitngit kang maririnig sa bahay ni Lola…

Dahil ba may nakikipagtalik

o dahil may nagmumulto?


Sinubukan ni Manang Medina na lumaban sa aktingan pero minsan ay hindi natural ang dating nito. Nagpipigil si Itan Rosales at hindi niya nailalabas lahat ng kanyang emosyon.


Si Ruby Ruiz ang nagdala ng buong pelikula. Magsalita lang siya ay kaya na niyang manakot at magpakaba. Sana tungkol sa kanya na lang umikot ang buong pelikula. Parehas silang magaling ni Aurora Yumul. Epektibo ang naging tambalan nilang dalawa. Hindi hamak na mas magaling pa sila kaysa sa mga bida.


Nakakadagdag rin sa kaba ang scoring, pero minsan ay sumosobra ang tunog kahit wala pa man ding nangyayari. Cute ang kulitan ng pamilya sa hapag kainan.


Matino ang naging simula. Nung una ay mapagmahal sa pamilya ang karakter ni Manang Medina... Nung una ay pumapasok pa siya sa opisina… Nung una ay nahihiya pa siya sa lalaki…. Ngunit simula nung nakatikim na siya ng sex scenes, wala na siyang tigil sa kaka-sex. Hindi na siya pumapasok sa opisina at hindi na rin siya nakikipagkita sa kanyang pamilya.


Pati ang ibang karakter ay nawalan na rin ng kwento dahil sa sex scenes. Sana mas pinagtuunan ng pansin ang istorya ng Lola, ngunit madalas ay ipinapasok lang siya kapag may kababalaghan lang na mangyayari.


Hindi maayos ang pagkakasunod ng mga eksena. Sasabihing papasok na siya sa opisina, pero ang susunod naman na ipinakita ay novena. Aalis daw siya ng 10pm, pero paglabas ng bahay ay may araw pa.


Walang laman ang tasa at hindi hinawakan ang kape, pero nakainom na pala siya. Merong boss na sobrang OA mag-manyak ng empleyado. Merong naliligo pero ang pustura ay parang nasa magazine photoshoot. May kaguluhang nangyayari, pero walang nakakakita.


Hindi malinis ang cinematography at color grading. Biglang liliwanag at didilim. Biglang mag-iiba ang kulay sa mga eksena.


Hindi makatotohanan ang mga sex scenes. Mukhang choreographer si Itan Rosales sa tuwing siya’y nakikipag-sex. Galaw lang nang galaw kahit wala sa hulog. Galaw nang galaw para magkaroon ng langitngit.


Nagamit ang langitngit sa pananakot at pampalibog. Ngunit kulang pa sa laman ang kwento ng bawat karakter. Hanggang ingay lang ang nagawa nito.

LANGITNGIT

⭐️


Cast: Manang Medina, Itan Rosales, Aurora Yumul, Ruby Ruiz

Presented by: White Space Digital Studios, Viva Films

Date Released: October 6, 2023 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page