top of page

LARUAN

Laruan (2022)

Directed by: Yam Laranas


Apat na karakter ang nakipag-laro sa isa’t isa.


Epektibo ang pagganap ng apat na aktor.


Nakakapanibago ang pagiging seryoso at mabait ni Jay Manalo rito, ngunit ka-pani-paniwala naman.


Nakakaaliw si Ava Mendez. Nakakatuwa na hindi lang siya naghubad dito. Nabigyan siya ng mahabang oras para gampanan ang kanyang karakter.


Effortless ang pagiging playboy ni Kiko Estrada.


Nakakaasar ang pagiging manipulative at insecure ni Franki Russell. Kalahati ng oras ay napunta sa kanyang pag-iinarte. Kahit papano ay nakita natin na may kakayahan pala siyang mang-inis.


Maganda sana ang mga pinakitang paintings, ngunit sa likod nito ay hindi nabigyan ng magandang kwento.


Sa katanuyan, wala masyadong kwento ang pelikula. Hindi gaanong umuusad ang istorya. Wala ring ganap sa mga buhay at trabaho ng mga karakter.


Pinaglaruan lang nila tayo sa pelikulang ito.


LARUAN

⭐️


Cast: Franki Russell, Kiko Estrada, Jay Manalo, Ava Mendez

Presented by: Viva Films, Mesh Lab

Date Released: December 16, 2022 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page