Latay (2023) Directed by: Ralston Jover
Mag-asawang nagkakasakitan. Hindi malaman ang kanilang gagawin.
Si Allen Dizon na ata ang pinaka-chill na lalaking nakikipag-away. Hindi bagay kay Lovi Poe ang maging isang mahirap na basagulera, pero okay siya kapag drama na ang mga eksena. Magaling si Snooky Serna maging isang toxic na nanay, lalo na nung binatukan niya si Lovi Poe.
Andaming bangayan, pero walang dating. Wala kasing pinatutungahan ang mga away. Walang saysay. Wala namang dapat pag-awayan, pero magtataka ka bakit sila nag-aaway. Tapos idadaan na lang sa flashbacks ang ilan sa mga paliwanag.
May sipa sana ang ending, pero hindi mo ramdam kung paano humantong sa ganung sitwasyon. Sa dami ng ipinakita nila, halos wala rin silang naibigay tungkol sa mga karakter.
Andaming pwedeng tanggalin na eksena. Katulad na lang nung unang bahagi ng pelikula na wala namang ambag sa kabuuan ng kwento. Kahit tanggalin mo yun, wala pa ring pagbabago.
𝘓𝘢𝘵𝘢𝘺 should have been cut to 30 minutes, removing several unnecessary parts. And then, release it as a 𝘔𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 episode with Mel Tiangco narrating every other scene to add more drama and depth to the characters’ actions. It would have been a haunting episode. But as a film, it’s just exhausting and giving almost nothing.
Kahit puro away, walang ka-buhay-buhay at ang tamlay pa rin ng 𝘓𝘢𝘵𝘢𝘺.
LATAY
Rating: 0/5 Cast: Allen Dizon, Lovi Poe, Snooky Serna, Soliman Cruz, Tabs Sumulong, Adrian Cabido Presented by: BG Productions International Date Released: February 8, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentários