top of page

LAYAS

Layas (2024)

Directed by: JR Olinares


Limang bata ang lumayas

sa kanilang pabayang pamilya.


Sino ba ang hindi maglalayas sa sinehan

kapag ito ang napanuod mo?


Ang chaka ng quality. Nakakahiya sa big screen. Kitang kita mo kung gaano siya kalabo. Umaalog-alog pa ang mga kuha. Inuusog-usog lang ang kamera. Hindi na inayos ang mga anggulo at pwesto. May napuputol na sa kamera pero wapakels lang sila.


Sapaw ang musical scoring. Hindi mo na marinig ang pinagsasabi nila. Merong nakakatakot na tunog, pero hindi naman nakakatakot ang nangyayari. Kung walang scoring sa eksena, rinig mong peke ang ilan sa audio dubbing. Nag-iiba ang anyo ng boses habang nag-uusap sila.


Nakakapanghina ang kawalan ng color grading. Didilim tapos sobrang liliwanag kahit nasa iisang pwesto lang sila. Amputi na nga nina Michelle Vito at Nadine Samonte. Mas lalo pa silang pumuti rito. Kinukuha na sila ng liwanag.


May potensyal ang istorya na maging emotional at inspiring, pero dahil sa sobrang sabog ng nangyayari at pagkakagawa, negatibong emosyon ang lumalabas at nakaka-inspire na layasan ang pelikula.


Disente umarte ang iilan sa mga artista, pero mas nangingibaw ang panget nitong direksyon. Pang-elementary group presentation ang atake sa mga eksena. Parang hindi na dumaan sa revisions ang script. Mukhang hindi na sila nag-take 2, puro take 1 lahat.


Humahagulgol yung babae pero yung buhok niya lang sa likod ang nakikita. Nagagalit yung bata pero nakangiti. May television show na mali ang grammar. Imbes na your, you’re ang ginamit. 20 years later ang lumipas, pero walang nagbago sa pagmumukha nina Dianne Medina at Ping Medina. Anong meron sa genes nila.


Mabuti pa ang mga mukha nila, hindi nagbago kahit matagal ng panahon ang lumipas. Pero ang palabas na ito…


Patagal nang patagal,

papanget nang papanget.


Ano bang ipinaglalaban ng ganitong klaseng mga pelikula at ang lakas ng luob nilang ipalabas ito sa sinehan?


Imbes na ipalabas sa sinehan,

mas masarap itong layasan.


LAYAS!

Rating: -2/5


Cast: Nadine Samonte, Michelle Vito, Alex Medina, Dianne Medina, Joem Bascon, Namy Ulenka, Alodia Buenio, Kristine Buenio, RG Guinolbay, Gwynn Villamor, James Estrella, Pamela Ortiz, Poppo Lontoc, Norida Nakamura, Dindo Arroyo, Ping Medina

Written by: Jocelyn Rayton

Presented by: Pinoyflix

Release Date: March 13, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: -3

Emotions:  -0.1

Screenplay:  -2.5

Technical:  -2.2

Message:  -0.1


AVERAGE SCORE

Layas:  -1.58

5 comments

5 comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
Invitado
14 mar
Obtuvo 1 de 5 estrellas.

nag try ako panoorin siya mas magaling pa gumawa mga bata sa school kesa dito. Haha! Sayang pera

Me gusta

Invitado
14 mar
Obtuvo 1 de 5 estrellas.

Nilayasan ko kanina hahahaha nasa 1hr palang

Me gusta
Contestando a

Wow. Congrats!

Umabot ka nang 1 hour.

Me gusta

Invitado
14 mar
Obtuvo 5 de 5 estrellas.

Good movie,, Inspiration for the youth

Me gusta

Invitado
14 mar
Obtuvo 1 de 5 estrellas.

???

Me gusta
bottom of page