LIFE AFTER YOU
Updated: Sep 10
Life After You (2026)
Written & Directed by: Marla Ancheta

Natanggal sa trabaho. Nawalan ng kapatid. Nanakawan sa bahay. Naudlot ang pangarap. Paano nga ba mabuhay pagkatapos mong mapagdaanan lahat ng ito?
Marami pang kamalasan at problema ang nangyari, pero hindi ito masyadong ramdam. Parang hangin lang na dumaan. Hindi nagkakaroon ng sapat na oras para ipakita ang bigat ng bawat pangyayari.
Masikip tingnan ang mga shots. Limitado ang espasyo upang sila ay makagalaw at makapaglabas ng mga emosyon.
Bitin ang mga confrontation. Walang warm up. Biglang na lang nag-aaway, tapos natatapos din kaagad. Marami pa silang pwedeng pag-usapan, pero hindi na nila nagagawa.
May single mom na karakter, pero hindi man lang siya kinausap para hingan ng payo. May tatay na douchebag, pero ang gaan kung paano siya tratuhin. May bata na nahihirapan, pero ang kaunti ng mga eksena upang siya ay alalayan at gabayan.
Malaking bahagi ng istorya yung bata, pero halos hindi siya nabibigyan ng importansya. Hindi ramdam ang presensya ng bata. Ang themesong na “Habang May Buhay” ay hindi akma sa kaganapang ipinapakita ng pelikula.
Kulang pa sa ang mga eksena. Andami sanang pwedeng bonding moments, pero imbes na gawin at ipakita ay sasabihin na lang nila. Meron silang mga hakbang at desisyon na mangyayari kaagad kahit hindi mo alam kung paano humantong dun.
Ambagal magsalita nung foreign client. Hindi ito natural pakinggan — lalo na’t siya ay galit. Hindi swak ang delivery vs emotion na dapat niyang i-portray.
Ang funny nung ginawa sa karakter ni Krissha Viaje. Kunwari nasa eksena siya, pero nakatakip lang ang mukha niya — at hindi siya ipinapakita.
May mga lines na performative at halatang sinasabi para lang ilarawan ang role na kanilang ginagampanan. Ang abrupt kung paano pinapasok ang backstories.
Palipat-lipat ang gustong puntahan ng pelikula. Hindi buo ang pagkakagawa. Medyo makalat panoorin ang journey. Dinaan na lang sa narration upang subukang bigyang saysay ang lahat ng kanilang napagdaanan.
Sayang dahil hindi masyadong nasulit ang dramatic prowess ng dalawang bida. Bumawi na lang ang pelikula pagdating sa comedy. Patok sila kapag nagpapatawa na.
Nakaka-good vibes kung paano makipag-usap si MJ Cayabyab. Feel na feel mo ang pagiging close friend niya na kaya kang asarin, pero handa ka ring tulungan anytime. Prim and proper ang datingan ni Andrea Babierra — na siyang swak para sa kanyang role na teacher.
Hawak pa rin ni Bela Padilla ang titulong “Mapanakit”. Sasaktan ka pa rin niya ngunit sa ibang paraan. Hindi na lamang ito tungkol sa mga lalaki. Mas malawak na ang sakop nito ngayon dahil tungkol na ito sa buhay at pangarap.
She naturally carries a carefree and rebellious spirit. She makes the loss of her dreams feel genuinely shattering. Her spontaneity adds authenticity to her performance, making the scenes look real and unscripted.
Bagay na magkapatid sina Bela Padilla at Ryza Cenon. Natural yung batuhan nila ng mga linya. It’s a shame that their time together is limited. Their tandem deserves to be explored further. A separate movie that fully banks on their sisterhood or friendship should definitely be on the table.
Luha man o tawanan ay walang hirap na naibibigay ni Maricel Soriano. Pati pagpapa-kilig ay kaya pa rin niyang gawin. Kahit saan mo siya ilagay ay kaya niyang mapanindigan ang iba’t ibang genre na ibinabato ng pelikula. Hindi pa rin nawawala ang kanyang ningning. Hawak pa rin niya ang “Diamante”.
The actors are actually the life of the movie, keeping it afloat even when everything around them becomes unsteady.
While the story can get messy and problematic along the way, its ending still leaves a glimmer of hope when it comes to dreams and family.
While unexpected circumstances can derail your journey, life is still what you make of it. At its core, 𝘭𝘪𝘧𝘦 is still patterned 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘺𝘰𝘶.
𝐋𝐈𝐅𝐄 𝐀𝐅𝐓𝐄𝐑 𝐘𝐎𝐔
Cast: Maricel Soriano, Bela Padilla
With: Dani Zee, Gardo Versoza, Jeric Raval, Marlo Mortel, Krissha Viaje, MJ Cayabyab, Peach Caparas, Andrea Babierra
Special Participation: Ryza Cenon
Presented by: Viva Films
Release Date: September 9, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Sa umpisa di mo siya maiintindihan but in this scene babaliwin ka sa emotion totoong parang ikaw ang andon sa eksena MararamdamaN mo yung LINYAHAN NI BELLA At GABAY NA IBINIGAY NI MARICEL SA SCENE.
A MOTHER'S LOVE IS UNCONDITIONALLY.
. Her life is her career but it's change . Sa buhay kailangan mo talaga ng isang tao para maliwanagan ka sa life hindi mo kakayanin ng mag-isa kapag mahina ka at wala kang Diyos.
Lab it. Diamante hawak mo Maria patuloy ang pagningning.