top of page

LIGAW NA BULAKLAK

Ligaw Na Bulaklak (Vivamax 2023) Directed by: Jeffrey Hidalgo


Isang sikat na artista ang naligaw sa daan at napunta sa isang bulaklak na makamandag.


Nakakatawa ang unang mga eksena dahil pinagtawanan nila ang kanilang sarili. Ang mga sumunod na nangyari ay nakaantok na. Naghihintay ka na lang ng plottwist. Nung ito’y ibinunyag, hindi rin ito nakakagulat at nakakabaliw.


Pinapahaba na lang ang mga eksena sa paglagay ng mga sex scenes. Maraming kaganapan na pwedeng tanggalin dahil wala itong laman. Hindi rin magaling ang karamihan sa mga artista. May mga karakter na nagpakita lang para makipagtalik. Ang pangalan nga ng iba sa credits portion ay “𝘤𝘰𝘶𝘱𝘭𝘦 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘵” na lang.


Matino ang naging pagganap ni Arron Villaflor. Nakakatuwa rin si Marissa Sanchez kahit saglit lang siya ipinakita.


Pinaka-mahalaga ang papel ni Chloe Jenna, ngunit hindi niya ito nabigyan ng hustiya. Kung mahusay sana siyang umarte, baka mas naging nakaaliw pa panuorin ang buong pelikula.


Nandiyan si Sheila Snow para magpakita ng laman. Kakarampot na nga lang ang eksena ni Gerald Madrid, ang tamlay tamlay pa niyang umarte. Hindi bagay kay Rember Galera ang karakter bilang direktor. Masyadong mahinhin at hindi kapani-paniwala ang mga pinagsasabi niya. Nakakaasar din yung ekstrang nagpapicture.


Ang direktor ng mismong pelikulang ito ay si Jeffrey Hidalgo at ang writer ay si Dennis Marasigan. Parehas silang naging ekstra rito sa kanilang sariling pelikula. Disente naman silang umarte. Pero mas mainam sana kung nasa likod na lang sila ng kamera para mas nagabayan nila ang kanilang kwento at ang mga artista.


Dahil sa kawalan ng direksyon at istorya, ang pelikulang ito ay tuluyang naligaw na.


LIGAW NA BULAKLAK

Rating: 0/5 Cast: Arron Villaflor, Chloe Jenna, Sheila Snow Presented by: Viva Films Date Released: September 22, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page