Litrato (2023) Directed by: Luisito Lagdameo Ignacio
Isang makakalimutan na lola ang nanghihingi ng mga litrato upang maka-alala.
Hindi natural ang boses at ang kilos ni Ai-Ai Delas Alas. Ramdam mong pinepeke niya ang pagiging matanda. Taliwas ito sa sinserong pagganap nila Liza Lorena at Bodjie Pascua.
Antagal umabot sa mismong kwento. Andaming eksena na pinapahaba kahit wala namang nangyayari. Pero yung mga eksenang kailangan ipakita ay nawawala. Kulang na kulang ang mga eksena nina Quinn Carillo at Ai-Ai Delas Alas.
Hindi ramdam ang kanilang samahan. Kapos sila sa mga usapan. Kaya nung nag-iiyakan na, wala kang maramdaman dahil wala kang babalikan na mga alaala mula sa kanilang dalawa. Walang hugot na pinang-huhugutan.
The main characters have no redeeming qualities that would make you love them. Their backstories are mostly told through long flashbacks and poetic narrations—which are not helping to build chemistry between the two leads.
Majority of the casts are seniors, but they are not given the right exposure. The opportunity to discuss issues involving our senior citizen is missed. They primarily exist to make you cry.
The movie screams melodrama with a little effort to share a story. The plottwist is reasonable, covering some plotholes on the first part of the movie. It could have been an emotional moment—only if there were enough prior supporting scenes.
Hindi gaanong nagamit ang mga “Litrato” sa mga eksena. Walang maganda at mabigat na kwento sa likod nito. Makakausad ang pelikula kahit wala ito.
If a picture paints a thousand words… Then this movie ain’t that picture.
LITRATO
Rating: 0/5 Cast: Ai-Ai Delas Alas, Quinn Carillo, Bodjie Pascua, Ara Mina, Tabs Sumulong, Liza Lorena Presented by: 3:16 Media Network Date Released: July 26, 2023 in Philippine cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentarios