LOVE AT FIRST SPIKE
- goldwinreviews
- Aug 27
- 2 min read
Love At First Spike (2025)
Directed by: Ivan Andrew Payawal

First episode pa lang, tatamaan ka na kaagad.
Hindi siya yung tipong ginawa para sa loveteam or fan service, pero it is serving good chemistry and teamwork among the cast. Ang sarap pumatol sa mga bangayan nila.
May red card ang bawat karakter, pero binibigyan sila ng pagkakataon na ipahayag ang kanilang saloobin. Dahil dun, naiitindihan mo kung saan sila nanggagaling. Mainis ka man sa kanila, pero gets mo sila. Nakikita mo sila.
Mahusay silang mag-warm-up ng mga eksena. Hindi sila nagmamadaling magkwento. Malinamnam ang pagkakabahagi ng mga salita at leksyon. Sapul ang mga linyahan. Ang ganda ng pagkakasulat. Ramdam mong nanggaling ito sa tunay na karanasan. Mahalaga ang pinag-uusapan.
Pang-MVP ang performance ni Jude Hinumdum. Sa isang iglap, kaya niyang buhayin ang mga eksena. Sing-lakas ng kidlat ang kanyang iniwang marka.
Befitting the title “Diamond”, Lance Reblando shines with her refined and classy portrayal. Sky Quizon’s presence is attention-grabbing. Even with soft voice, Bong Gonzales is heard and seen. Dylan Yturralde generally does fine, but he could benefit from clearer enunciation of words. On moments that seem crucial, Reign Parani can deliver. Sean Tristan effortlessly owns his character.
The heart and soul of this series, Meryll Soriano and Gio Alvarez deserve to be acknowledged as the best advisers a person can have within a team or a family.
Medyo stiff ang kanyang akting ni Emilio Daez. Parang conscious siya sa kanyang ginagawang kilos at facial reactions—imbes na mangibabaw nang kusa ang kanyang mga emosyon. Sa kabuuan, pang-bida ang kanyang datingan.
Ang karakter ni River Joseph at lahat ng kanyang barkada ay lumalabas lang para mang-inis. Na-stereotype ang basketball, at kulang pa sa ibang anggulo. May mas iaangat pa sana ang ending. Nakaka-disorient at anti-climactic din yung inilagay nilang extra scene sa dulo. Gayunpaman, pasok pa rin ito sa G.O.A.T. category pagdating sa iWant.
Hindi lang siya inilagay diyan para madagdagan ang kanilang content. May puso at isip ang pagkakagawa sa seryeng ito. May boses na nirerepresenta.
8 episodes lang siya. 50-60 minutes each. Sulit ang bawat episode. Iba’t ibang perspektibo ang nangingibabaw at napagsama-sama nila ito. Mula editing hanggang scoring, siniguro nila na maayos ang pagkakalatag.
Swak sa mood ang mga song choices. Nakaka-happy sa mata at sa feelings ang mga shots. Focused ang direksyon papunta sa goal nilang maghatid ng makabuluhang kwento.
With its consistent offense in storytelling, this series is bound to hit your heart from its first to last spike.
𝑳𝑶𝑽𝑬 𝑨𝑻 𝑭𝑰𝑹𝑺𝑻 𝑺𝑰𝑮𝑯𝑻
Cast: Emilio Daez, Reign Parani, Sean Tristan, Dylan Yturralde, Lance Reblando, Jude Hinumdum, Sky Quizon, Bong Gonzales, Andi Abaya, Rain Celmar, River Joseph, Universe Ramos, Nick De Ocampo, Miggy Ruallo, Binsoy Namoca, Drei Sugay, Alwyn Uytingco, Marnie Lapus, Don Umali, Giovanni Baldiserri, Neomi Gonzales, Luis Alandy, Gio Alvarez, Meryll Soriano
Original Story: Ivan Andrew Payawal
Writers: Ivan Andrew Payawal, Ash Malanum, Keavy Eunice Vicente
Release Date: August 8, 2025 on iWant
A Series Review by: Goldwin Reviews
Comments