LOVE, NGO
- May 30
- 2 min read
Updated: 2 days ago
Love, Ngo (2026)
Written & Directed by: Darryl Yap

Nakakatakot panoorin ang pelikula. Imbes na mabawasan ang pambubully, baka madagdagan pa.
Walang eksena sa pelikula kung saan hinarap at tinalakay ang bullying. Hinayaan na lang. Bagkus, na-gaslight pa si Ngo Ngo. Na-downplay ang kanilang nararanasan. Napunta sa kanila ang sisi.
Alanganin kung paano hinarap ang sitwasyon. Hindi nabigyan ng karampatang solusyon ang pinaka-problema. Nagkaroon ng diversion.
Dinaan na lang sa pagiging resilient. Hindi na baleng matapakan at mahirapan, basta happy happy na lang.
Nakakatawa si Malupiton. Malupit talaga siya. Napanindigan niya ang kanyang screen name. Natural ang kanyang mga kilos at expression. Kapag wala siya sa eksena, hahanap-hanapin mo siya dahil magaling siyang magpatawa.
Maraming pagkakataon na aaakalain mong siya ang bida ng palabas na ito dahil kayang kaya niyang buhatin at buhayin ang mga eksena.
Pagdating sa dramahan, kulang pa siya sa emosyon. Dinadaan niya sa taas ng boses. Ngunit kahit man ganun, may kakayahan siyang magbitaw ng mga linya na seryoso at hindi katawa-katawa pakinggan.
Jerald Napoles did try. He is showing commitment to the role. He never lets go. May potential sana yung karaoke scene niya, pero wala masyadong mahugot mula mismo sa palabas. Walang pundasyon para sa sakit at lungkot na kanyang naranasan.
Wala silang chemistry ni Louise Delos Reyes. Nakakaasar ang kanyang karakter dahil social worker siya pero hindi man lang niya kayang ipagtanggol ang naaapi.
Hindi nagkaroon ng rapport ang magka-kaibigan. Ang goal lang talaga nila ay magbigay ng punchlines. Tapos ang goal naman ng nanay ay magbigay ng lesson. Madalas siyang missing in action. Sumulpot na lang dahil ending na.
Sayang ang pagkakalagay sa ilang cast members na may cleft lip. Hindi rin sila masyadong nakapagsalita. Hindi nila naibahahi ang diskriminasyon na kanilang nararanasan. Nawalan sila ng boses. Naging display lang sila at naging subject ng mga patawa.
Kulang kulang ang mga eksena. Dinaan na lang sa mahabang explanation. Marami silang dada, pero hindi maganda kung paano ipinapaliwanag ang mga bagay bagay. Pilit ipinapamukha sa’yo na ganito dapat ang maramdaman at matutunan kahit hindi ito panatag sa pakiramdam.
Ang awkward panoorin nung mahabang dramahan. Personal na karanasan ang pinag-uusapan. Ngunit ang eksenang ipinapakita ay hindi galing sa kanilang perspective. Naging meta at omnipresent sila bigla.
Sobrang offensive ng ibang eksena. Kahit naiintindihan naman ang sinasabi ni Ngo, halatang pinapahirapan upang pagtawanan lamang.
Parang hindi na siya isang pelikula. Mukhang ginawa lang ang script for viral content upload. Naging collection na lang siya ng mahahabang comedy sketches at dramatic scenes.
Puro mocking at bullying sa simula. Tapos biglang nagpasok ng lesson sa dulo.
Hindi talaga si Ngo Ngo ang mahirap intindihin dito. Even without subtitles, you won’t get lost in translation. It’s the script and direction that got lost in trying to create a decent representation of the community.
𝐋𝐎𝐕𝐄, 𝐍𝐆𝐎
Cast: Jerald Napoles, Candy Pangilinan, Gina Alajar, Joel Ravanera, Louise Delos Reyes
Presented by: Viva Films
Release Date: June 3, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
What’s your rating for LOVE NGO?
0%5/5
0%4/5
0%3/5
0%2/5

I actually like it, hindi mo kailangan maging ngongo para maka-relate sa bullying and rejection. I understand that some scenes are under developed pero ang mahirap sa nagre-review ng pelikuka is when you try to INTELLECTUALIZE the movie. Simple lang naman ang gusto niyang ikuwento it's all about acceptance. Bakit parang hindi yata napansin ni Goldwin yung dramatic scene ni Gina Alajar at Jerald Napoles na halos nadidinig ko ang mga katabi ko na nag-iiyakan. MAY MALI BA SA AMIN AT UMIYAK KAMI? LALO NA AKO NA NAKAKA-RELATE SA PAGMAMAHAL NG ISANG INA, since I miss my Mom who passed away.