Lumang Tugtugin (TMFF 2024)
Directed by: Pepe Diokno
Kelan ka huling kinalibutan sa pelikula?
Dito sa kwentong ito. Nasa luob ng lumang bahay ang mga karakter. Nakakaligaw ang bahay, pero klarong klaro ang direksyon na gusto nilang tahakin.
Madadala ka sa husay ng mga artista. Matatakot ka sa mga kinikilos nila. Mag-aalala ka para sa kanila. Mula sa buhok hanggang sa pagkain nila, pasok ito sa kabuuan ng istorya. Lahat ng nakikita, naririnig at nararamdaman mo ay naaayon sa kwento.
Malinis ang pagkakagawa, ngunit marumi ang karanasan na naibahagi nila. May kakayahan silang gawing maganda ang hitsura ng bahay, ngunit kaya rin nilang bihisan ito ng kapangitan.
Dahil damang dama mo ang mga eksena, hindi mo maiwasang hindi makapasok sa bahay nila. Tuluyan ka na ngang nakapasok sa buhay nila.
You are inside their house.
You are in their shoes.
Nakakarindi ang mga lumang tugtugin na maririnig mo. Nakakalungkot ang mga ala-ala na makikita mo. Nakakapanlumo ang pakiramdam na mananatili sa’yo. Paikot-ikot tayo sa tahanan na walang hangganan. Mapapaisip ka kung kelan at paano matatapos ang pelikulang ito.
Pelikula pa ba ito?
O totoong buhay na?
This is how a short film should be.
Maiksi lang, ngunit pangmatagalan ang ibinigay sa’yong karanasan. Mapapamura ka sa galing.
Ito ang Lumang Tugtugin na hindi dapat ulitin pagdating sa tunay na buhay, ngunit pwedeng ulitin pagdating sa paggawa ng mga pelikula.
LUMANG TUGTUGIN
5/5
The Manila Film Festival 2024 has a total of 10 new short films—divided into 2 sets. This short film is part of the SET B films.
Cast: Lui Manansala, Sue Prado, Therese Malvar
Written by: Guelan Varela-Luarca
Presented by: ANIMA Studios, The Manila Film Festival 2024
Release Date: June 5-11, 2024 for The Manila Film Festival 2024 at Robinsons Manila and Robinsons Magnolia
A Movie Review Review by: Goldwin Reviews
yezsz
bruh