top of page

MAHAL KO ANG MAHAL MO

Mahal Ko Ang Mahal Mo

Directed by: Aya Topacio


Playboy ang karakter ni Van Allen Ong dito

at bagay na bagay sa kanya ang role.

Nakuha niya ang hulmahan ng isang boy next door na bukas parati ang pintuan sa mga babaeng kumakatok.


Ang boring ng mga sex scenes. Mas exciting malaman kung paano mahuhuli ng mga girls si kuyang playboy sa kanyang mga panloloko.


Kunwari, nag-iimbestiga ang mga girls pero halos wala namang ginagawa. Aalamin kung sino pa ang ibang girls. May buhusan ng tubig na naganap. Ang aktingan nila ay basta-basta lang din.


It was fun while it lasted.


But then the movie changed its direction and proceeded to its next chapter—which felt like a separate story that can stand on its own.


Kung anu-anong plottwists na ang nangyayari. Hindi na sila nagkwekwento. Nag-iisip na lang sila kung paano sila makakapag-sex sa iba’t ibang paraan.


Imbes na pag-usapan ang bigat na kanilang pinagdaraanan, nag-awra-awra na lang sila diyan sa tabi tapos sabay naghalikan. Ginagamit na naman ang lesbian awakening para sa kalaswaan tapos hindi nabigyan ng hustisya ang mga karakter.


Parang ewan din yung pamagat nila

na katunog ng teleserye sa GMA.


“Mahal Ko Ang Mahal Mo”

o “Asawa Ng Asawa Ko” ?


Maliban sa Black Rider, mapapanuod na rin kaya ang Vivamax artist sa iba pang shows ng GMA?


MAHAL KO ANG MAHAL MO 

Rating: 0/5


Cast: Angelica Hart, Angeline Aril, Van Allen Ong, Mia Cruz

Story by: JC Pacala

Written by: Nigel Santos

Released Date: June 4, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: 0

Emotions: 1

Screenplay: 0

Technical: 0.5

Message: 0


AVERAGE SCORE: 0.3

0 comments

留言

評等為 0(最高為 5 顆星)。
暫無評等

新增評等
bottom of page