top of page

MALIKO

Maliko (Vivamax 2024)

Directed by: JR Frias


Is this a prank?


Parang pinatong lang ang kamera sa harapan tapos kinuhanan ang kanilang mga kalokohan. Nakakatawa at ang sagwang umarte ng mga artista. May pagka-robot at wala sa hulog. Ang chaka ng pagkakagawa. Ang boring ng pagkakakwento. Tunog lata ang sounds. Nakakairita yung scoring.


Kung sa PGAG ito inupload or sa YouTube account ng Bubble Gang, patok na patok siguro ito dahil laughtrip ang mga eksena. Pero dahil sa Vivamax naganap, hanggang putok lang ang nagawa nila.


May mga trabahong nababoy. Ganito ang naging usapan ng isang pharmacist at ng isang medrep sa pelikula:


- 𝘚𝘪𝘳, 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘯𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘮𝘰𝘵 𝘬𝘰?

- 𝘋𝘦𝘱𝘦𝘯𝘥𝘦 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘶𝘬𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰.


Para makapasok ang kanyang gamot, isang medrep ang napasukan ng pharmacist. Pagkatapos nun, nakikipaglandian ang medrep sa isang doktor habang may pasyenteng nanghihina sa kabilang higaan na kurtina lang ang pagitan.


Akala mo matino ang usapan dahil may pag-explain pa kung ano ang ginagawa ng isang med rep at kung ano ang ibig sabihin ng antibiotics. Pero labas naman sa ilong ang mga sinasabi nila. Puro kabastusan ang ginagawa nila.


Kung anu-anong mga pantasyang pangkalibugan ang ipinapasok sa mga eksena. Umabot na sa puntong nag-sabayang kantutan silang lahat.


Sa sobrang lala ng sakit ng pelikulang ito, hindi tatalab pati antibiotics. Base sa istoryang ito, nasa bayan sila ng Maliko—at lahat ng kaganapan duon ay panay baliko.


Walang ginawang tama ang 𝘔𝘢𝘭𝘪𝘬𝘰.

Puro mali to.


𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗢

Rating: -2/5


Cast: Sahara Bernales, Eunice Santos, Chad Solano, Ardy Raymundo, Ada Hermosa, Rome Guinto, James Lomahan, Peggy Rico Solis, RR Lopez, Jhun Valentino, Aica Veloso

Headwriter: JR Frias

Co-writer: Kiko Sotto

Presented by: Flash Fast Production

Release Date: July 10, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -2

Emotions:  -1.5

Screenplay:  -2

Technical:  0

Message:  -3


AVERAGE SCORE:  -1.7

0 comments

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加
bottom of page