top of page

MAMANG

Mamang (Cinemalaya 2018)

Directed by: Denise O’Hara


Ito yung movie na kapansin-pansin ang ganda ng visuals at lighting. Alam mong pinaghandaan.


Nakaka hook din ang aktingan. Simula pa lang. Makukuha ka na ni Ketchup. Hanggang sa pinakadulo. Hindi ka bibitaw sa kanya. Ang galing pala niya.


May mga times na gusto mo pa sanang umusad ang kwento. Dahil antagal nilang na stuck sa dilemma nila. Pero bawing-bawi naman sa dulo.


Ang intense ni Mamang Celeste at Ketchup sa last scene. Ang ganda kung paano gumalaw yung camera. Kasabay ng pag-ikot ng mga emosyon nila.


Ang artistic. At ang dramatic.


MAMANG

⭐️⭐️⭐️


Cast: Celeste Legaspi, Ketchup Eusebio, Alex Medina, Paolo O’Hara, Gio Gahol, Elora Espano, Peewee O’Hara

Date Released: August 3–12, 2018 for Cinemalaya 2018

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加
bottom of page