top of page

MANG KANOR

Mang Kanor (AQ Prime 2023) Directed by: Greg Colasito


Kwento raw ito ni Mang Kanor.


Pero halos wala ka ring malalaman tungkol sa kanya. Walang ganap bilang Pulis. Walang paghihirap bilang Restaurant Owner. Karamihan ng pagsasadula ay hindi naman importante.


The movie feels like a compilation of re-enactment scenes from ๐˜ž๐˜ช๐˜ด๐˜ฉ ๐˜’๐˜ฐ ๐˜“๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ and ๐˜๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ณโ€”except this oneโ€™s much worse.


Sloppy production. Awful sex scenes. Forgettable story. Cringey acting.


Si Rez Cortez at Via Veloso lang ata ang disente umarte rito. Pang-kanto na ang aktingan ng iba. Halatang hindi seryoso at mukhang nakikipag-lokohan lang. Makikita mo rin dito si Atty. Aldwin Alegre. Madalas siyang nasa pelikula ng AQ Prime, dahil siya ang CEO nito. Odiba. Sankapa. Love your own.


Kitang kita ang plaster sa sex scene. Sarap tirisin ng mga pekeng pimple sa mukha. May cellphone na naka-lock habang nakikipagtext. At merong kumakatok sa sariling bahay kahit nakabukas naman ang pinto.


Ang tamlay ng mga eksena kahit nagsisigawan na sila. Nakakaantok kahit nagkakainan na sila. Habang tumatagal, mas lalong nakakainis panuorin.


Pinag-usapan nuon si Mang Kanor. Pero ang mga tao ngayon ay hindi MangMang para tangkilikin ang isang pelikulang hindi maganda.


MANG KANOR

Rating: -1/5 Cast: Rez Cortez, Nika Madrid, Joni McNab, Seon Quintos, Evelyn Cruz, Rain Perez, John Flores, Rob Sy, Via Veloso Presented by: AQ Prime Date Released: January 28, 2023 via AQ Prime A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page