top of page

MAPANAKIT

  • 2 hours ago
  • 5 min read

Headed by the Biñan Youth Performance Council (YPC), Mapanakit features three distinct plays, all written by Eljay Castro Deldoc and directed by BJ Borja.


The production pairs seasoned actors Ross Pesigan, Gab Pangilinan, Kokoy De Santos, and Phi Palmos with YPC members Jury Sanchez, Euden Moje, and Loudette Barias — creating a collaboration between established performers and emerging young talents.


Ang iilan sa kanila ay kayang makipagsabayan,

ngunit ang iba ay kailangan pang gabayan.



PLAY 1 of 3: Ang Liknayan ng ating mga Katawan


Medyo cringe sa simula kung paano nila gamitin ang Physics sa pagbahagi ng kanilang nararamdaman. Andaming ginagamit na technical terms, tapos ginagawang cheesy lines. Hindi masyadong naipaliwanag ang proseso kung paano sila nakarating sa kanilang recommendation. Kailangan pa ng more plausible examples.


Masyadong mahaba ang usapan. Pabalik-balik sila sa kanilang punto. Makakatulong sana kung may kaunting variation sa kanilang approach. Panay banggit sa graphs at patterns. Mas maganda siguro kung may lumalabas na visuals kung paano nila ito gustong mailarawan.


Dalawang karakter ang nag-uusap. Tila naglalaban ang isang Delusional vs Rational. Hindi bagay ang kanilang argumento dahil ang Logic ay pilit na binabangga sa Science. Hindi sila nagkakatagpo.


Ngunit nung sinubukan nilang pakinggan ang isa’t isa, dun unti-unting nagkaroon ng linaw at ganda ang usapan. Mula sa apples to oranges na banggaan, naging apples to apples na. Naging level-headed ang discussion.


Higit pa sa mga salita, nagawa nilang mailahad ang kanilang saloobin. Dahil hindi sila sumuko sa kanilang ipinaglababan, maniniwala ka na rin sa kanilang nararamdaman.


Ross Pesigan showcases the different facets of being a teacher, occasionally straying from the moral path while striving to uphold the integrity of the noble profession.


Jury Sanchez maintains a consistently high level of energy from beginning to end. More nuance and variation in her performance would have added depth to the character. Nevertheless, her commitment to the role eventually makes her portrayal convincing.


Ramdam ang desperation mula sa bata at maturity mula sa matanda. Pinaka-magandang parte ng dula ay yung napagsama nila ang kanilang mga enerhiya at nagbunga ito ng isang magandang solusyon para sa dalawa.


It may be cheesy and geeky, but it offers moments of enlightenment that make you appreciate the silly actions they’ve taken and the wiser decisions they’ll make in the future.


Wrapping up the play to the tune of 𝘈𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘖𝘷𝘦𝘳 𝘠𝘰𝘶 is both heartbreaking and inspiring. The pain may linger for now, but soon, it will be almost over.



PLAY 2 of 3: Iligan at Kalingaw


Hindi nakatulong ang kanilang introduction upang mailarawan ang mundo na kanilang ginagalawan. Mula narration hanggang sa sayaw, hindi naibahagi ang tindi ng sitwasyon.


May kasalanan daw silang nagawa, ngunit hindi ramdam ang bigat nito. May hinihintay silang hatol. Panay sabi na nandyan na at paparating na sila, pero sobrang tagal pa bago umabot dun. Imbes na abangan ay mawawala na pananabik dahil sa katagalan.


Maganda sana ang ilang kantang pinapatugtog. Minsan ay mapapaindak ka. Ngunit hindi nila ito nasasabayan ng karampatang galaw na swak sa kanta.


Kadalasan, napupuno ang linya ng mga quotes. Nagpapalitan sila ng mga matalinhagang tula na kulang sa timbang. Tunog mahalaga siya, ngunit hindi nasusuportahan. Ang hirap maniwala na nagmamahalan ang dalawang karakter. Hindi pantay ang ibinibigay nilang emosyon.


Euden Moje has room to add more facial expressions and stronger emotions to his performance, as some of his dialogue can feel understated.


Gab Pangilinan has the ability to transform a script into a powerful outlet for expression. Every line she delivers carries purpose, conviction, and weight.


Nailalahad niya ang bugso ng kanyang damdamin sa bawat salitang kanyang sinasambit. Kapag nilapatan pa ito ng nakaaantig na musika, abay, tuluyan ka talagang madadala.


May ambag ang production design at ang kasuotan upang maibigay ang makalumang mood ng palabas. 


Muli, ang ending ay mapanakit na naman. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya nakakatuwang pagnilayan.

 

 

PLAY 3 of 3: Ganito ang Pinangarap Kong Kasal


Nakakatuwa panoorin ang unang bahagi ng dula. Masigla ang kanilang naging pagganap. May tawanan, landian, at damayan.


Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mula sa aktingan, napunta sila sa sunod sunod na narration. Nagmistulang script reading na ang palabas. Napahaba ng oras na wala silang ginagawa sa entablado kundi umikot at bigkasin ang mga kaganapan.


Maliban dun, nagkaroon din ng sa radio show format para ipaliwanag kung anong nangyari sa mga karakter. Mula sa narration hanggang sa radio show, hindi naging malikhain ang kanilang pagkwento. Andaming eksena na sinasabi na lang nila imbes na ipakita.


Nang bumalik na ulit sa aktingan, nagkaroon ng mahabang confrontation ngunit wala masyadong napag-usapan o paliwanagan. Gaya rin ng sabi nila, hindi naman raw kailangan ng mga paliwanag pagdating sa magkakaibigan. Basta na lang sila nagkaintindihan.


Sa unang tingin, mapapansin na hindi ganun katibay ang kanilang pagkakaibigan. May ilang eksena na mapapakamot ka ng ulo. Magtataka ka kung paano at bakit nila nagawa ang mga bagay-bagay.


Pagdating sa huli, umusbong ang lalim ng kanilang pinagsamahan. Bagamat hindi gaanong ipinakita ang paglalakbay, madarama pa rin ang hapdi at tuwa sa kanilang kinahinatnan.


Likas na nananalaytay sa diwa ni Phi Palmos ang kahulugan ng Mapanakit. Dahil sa kanyang sinserong pagganap, ikaw na mismo ang masasaktan para sa kanya. Kahit mapait, tutulungan ka niyang tanggapin ang katotohanan. Nabigyan niya ng mas malalim at mas malawak na kahulugan ang pagiging kaibigan.


Kayang makipagsabayan ni Loudette Barias sa aktingan ng beterana sa entablado. Nakakapagbigay din siya ng aliw. Hindi puwersado ang kanyang kilos at boses. Maliban sa mga magagaan na eksena, kaya rin niyang mag-seryoso. Meron siyang potensyal upang gampanan pa ang mas matinding mga karakter sa mga susunod pa niyang mga palabas.


Kaiinisan mong tunay ang karakter ni Kokoy De Santos. Hindi man kumbinsido ang pamamahagi niya ng pagmamahal, epektibo naman ang kanyang paglalandi at panlilinlang. 


Nagamit ang ilang kanta ni Jolina Magdangal upang segunduhan ang nararamdaman ng mga karakter. Nakakalungkot masaksihan ang kanilang kinahinatnan. Nagsimula sa tawanan, nauwi sa iyakan.


Mapanakit muli ang ending. Tutulo ang luha kapag pinag-usapan na ang pinangarap niyang kasal. Masakit sa dibdib ang huling mga kaganapan.


Ngunit sa kabila ng sakit, nagbigay din ito ng panibagong lakas upang makabangon at makapag-simulang muli.

Umabot ng 3.5 hours ang duration ng buong palabas. Halos isang oras ang bawat dula. Randam ang haba ng bawat isa. Maraming pwedeng tanggalin o paikliin. Nakatulong ang ilang kantang ipinapatugtog, ngunit hindi masyadong malinis kung paano sila ipinapasok.


1,500 ang ticket price at free seating siya. Hindi maganda ang pwesto kapag uupo ka sa gilid ng entablado dahil ang mga aktor ay kadalasang naka-talikod sa’yo. Mas mainam kung inilagay lahat ng upuan sa harapan ng entablado upang lahat ng manonood ay pantay-pantay ang nakikita at nararanasan.


Gayunpaman, kahit saan ka man naka-upo at kahit ano pa man ang iyong pinagdaanan, hindi makakaila na may sakit na dulot ang palabas. Masakit sa dibdib. Tunay ngang mapanakit.


MAPANAKIT lives up to its title, with each story exploring a different kind of pain. Yet beneath the heartache lies a journey toward forgiveness and acceptance—offering hope that, one day, suffering can lead to healing.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page