top of page

MAPANUKSO

Mapanukso (Vivamax 2024)

Directed by: Jose Abdel Langit


5 male dancers seduce their female clients.


Maganda sana yung last act nila kung ang bawat karakter ay nabigyan ng importansya. Pero hindi mo sila nakilala nang lubusan para madala ka nang tuluyan sa kanilang kinahinatnan.


Ang karakter ni Marco Gomez ay isang pwet-butas nang walang dahilan. Lumitaw sa pintuan si Itan Rosales at naging bida na lang. Nabugbog si Mon Mendoza pero walang epekto sa kanya. Masyadong mahinhin si Calvin Reyes para maging isang performer. Nagsuot lang ng shades si Sean de Guzman. Natupad na pangarap niya.


Merong eksena kung saan ipinapaliwanag ang mga sensitivities at benefits ng isang performer. Maaaring yun na ata ang pinaka-matinong usapan sa pelikulang ito. Maliban duon, hindi na naging interesante ang mga pinagsasabi nila.


Walang kalatoy-latoy ang mga usapan sa paggitan ng dancer at ng customer. Paulit-ulit ang mga impormasyon na nalalaman mo. Hindi na nadaragdagan. Ang mga problema ay parating ganun pero hindi naman napag-uusapan.


Lumalabas lang yung ibang babae kapag kainan na. Tapos ang boring pa ng mga sex scenes. Puro slowmo. Nakakaantok ang mga kantang ginamit.


Kadalasan sa Vivamax, mas panget ang istorya.

Pero dito, mas panget ang sex scenes.


Hindi tuloy napanindigan

ang kanilang pagiging mapanukso.


MAPANUKSO

Rating: 0/5


Cast: Sean de Guzman, Marco Gomez, Tiffany Grey, Ataska, Itan Rosales, Mon Mendoza, Calvin Reyes, Thia Ledesma, Apple Casto, Cath Ventura, Rica Gonzales, Boobita, Panteen Palanca, Adrian Cabido

Story & Screenplay by: Quinn Carillo

Presented by: LDG Production

Release Date: March 15, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  0.5

Screenplay:  1

Technical:  0.5

Message:  0.5


AVERAGE SCORE

Mapanukso:  0.4

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page