Maple Leaf Dreams (Sinag Maynila 2024)
Directed by: Benedict Mique
Ang pangarap ng mga karakter ay idinaan sa mabilisang usapan. Ang kanilang paghihirap ay idinaan sa narration. Kinukulang sila sa mga totoong kaganapan. Dahil dito, hindi rin ramdam ang tagumpay na kanilang tinatamasa.
Imbes na ipakita ang mga nangyayari, sasabihin na lang nila ito nang isang bagsakan. Kapag may impormasyon, ibabato lang nila ito basta-basta.
Hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena. Biglang napuputol at may ipapasok na ibang bagay. Hindi maganda kung paano nila itinahi ang mga ito. Nagsimulang romcom, naging dokyu panandalian, tapos may mga dramahan na hindi nakakadala.
Minsan ay pinipilit nilang mag-away, umiyak o magpa-kilig. Hindi natural ang karamihan sa mga usapan. Hindi sapat ang aktingang ibinigay nina LA Santos at Kira Balinger. Wala rin silang koneksyon sa isa’t isa.
Wala kang makapitan sa pelikulang ito dahil halos dumadaraan lang ang mga eksena. Sing-gaan ng dahon na mabilis mapadpad kung saan saan. Kinukulang sa bigat. Ang mga pangarap, paghihirap at tagumpay ng mga karakter ay hindi umangat sa 𝘔𝘢𝘱𝘭𝘦 𝘓𝘦𝘢𝘧 𝘋𝘳𝘦𝘢𝘮𝘴.
𝗠𝗔𝗣𝗟𝗘 𝗟𝗘𝗔𝗙 𝗗𝗥𝗘𝗔𝗠𝗦
Rating: 1/5
Cast: LA Santos, Kira Balinger, Ricky Davao, Snooky Serna, Joey Marquez
Story by: Benedict Mique
Screenplay by: Benedict Mique, Hannah Cruz
Presented by: Lonewolf Productions, 7k Sounds
Release Date: September 4-10, 2024 at Gateway, SM Cinemas (NCR), Robinsons Manila & Galleria, and Market Market
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0
Emotions: 0.5
Screenplay: 0.5
Technical: 0.6
Message: 1
AVERAGE SCORE: 0.52
Comments