MIRANDA & YOLANDA
- 3 days ago
- 2 min read
Dalawang magkaibang palabas ang mapapanood mo rito sa MIRANDA at YOLANDA. Magkasalungat ang kanilang atake. May kanya-kanya silang charm. Sobrang serious at gloomy ng first show. Samantalang wild at funny nung second show.
Ana Abad Santos is so classy and stunning. Frances Makil-Ignacio is truly seen. Umaapaw ang stage presence ni Joshua Cabiladas. Kahit malayo ka sa kanya, umaabot sa’yo ang hininga niya. Nakakalungkot manirahan sa kanilang tahanan. Mayaman sila, ngunit ang hirap ng kanilang sitwasyon. Umiikot sila at hindi na makalabas.
Mula sa mapuot na tahanan ni MIRANDA, mapupunta ka sa nakakalokang kaharian ni YOLANDA.
Grabe. Nakakatawa pala siya. Halakhak levels. Na may kasamang palakpak. It’s nearly impossible na hindi ka tumawa sa Yolanda.
Nakaka-adik panoorin si Shamaine Buencamino. Hindi siya nahihiyang magkamali, magmukhang tanga, at pagtawanan. Dahil dun, mas lalo mo siyang rerespetuhin. Kahit mahirap paniwalaan kanyang pinagsasabi, may kakayahan siyang gawin itong kapani-paniwala. Pagkatapos mo siyang masaksihan dito, sasambahin mo siya bilang isang Reyna. Deserve niya ang titulong iyon.
Plakado ang mga kilos at pananalita ni Topper Fabregas. Konting kibot lang niya ay maaari nang makapagbigay ng aliw. Maliban sa malakas ang boses, malakas din ang presensya ni Jules Dela Paz. Kahit maikling segundo lang ang ibigay sa kanya, nagagawa niyang mag-iwan ng marka. Mahusay ang buong ensemble.
May ilang sandali na nahaharangan ang mukha ng artista. Pero kahit ganun, nadarama pa rin ang kanilang presensya. Sobrang kulit ng pagkakagawa. Sana maging isang buong musical play ito in the future.
Maganda ang script. Mapapa-isip ka at magdududa. Tatawa ka. Kailangang ilabas ang tawa dahil baka masiraan ka ng bait kapag kinimkim mo.
Eto yung isa sa mga palabas na masarap panoorin ulit dahil gusto mo ulit maranasan yung moment na namangha ka sa galing nila at yung feeling na alive na alive ang theater.
Ang sarap tumawa at mamangha at the same time. We need more theater experiences like this one, please.
♠️♤♠️♤♠️
MIRANDA & YOLANDA runs from April 11 until May 3, 2026 at the PMC Spotlight Blackbox Theater, Circuit Makati. Get your tickets at https://ticket2me.net/EncoreTheaterMNLPH


Ayyy pak ganda!! Super agree!!