top of page

MONDAY FIRST SCREENING

Monday First Screening (2023) Directed by: Benedict Mique


A 60 year old woman enjoys watching free movie screenings for senior citizens every Monday.

Nakakatuwang panuorin ang pelikulang ito dahil ramdam mo na seniors talaga ang bida sa kwento.


Nakaka-kilig ang tambalang GinRi. Masayang makita na nagpapakipot si Gina Alajar at nagpapakitang-gilas si Ricky Davao. Ibang klaseng kilig ang nadarama nung nagkalapit na ang kanilang mga mukha.


Magaling rin sina Ruby Ruiz at Soliman Cruz. Ang cute tingnan ng kanilang barkada. Samantalang sina Allen Abrenica at Reign Capili ay kulang pa sa hasa.


Kaunti lang ang mga isyu na napag-usapan kaugnay sa mga seniors. Kung meron mang problema, mabilis din itong natatapos. Naisantabi rin ang mga nangyayari sa kanila sa sinehan tuwing Lunes. Naging bahagi na lang ito ng mga linya.


Hard problems are easily solved. Retirement job issues come and go without satisfying discussions. Parent-child conflicts are gone after just one conversation.


While the movie didn’t dig deeper on important topics, it succeeded in being a senior romcom movie that can make you feel young and in love.


“Sayaw” by Joshua Feliciano is a fitting soundtrack for this movie. Mas lumabas ang sarap ng kanilang pagmamahalan nung pinatugtog na ang kanta.


Ang tambalang GinRi ay kaiinggitan mo. Mapapa-sana all ka sa mga matatamis nilang sandali. Papangarapin mo na sana sa pagtanda mo ay may makasama ka ring manuod ng Monday First Screening.


MONDAY FIRST SCREENING

⭐️⭐️⭐️ Cast: Ricky Davao, Gina Alajar, Soliman Cruz, Che Ramos, Ian Ignacio, Joy Cerro, David Shouder, Reign Parani, Allen Abrenica Presented by: NET25 Films Release Date: August 30, 2023 in Philippine Cinemas nationwide; January 1, 2024 on Netflix *Watched via advance screening last June 12, 2023 A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page