top of page

MOONLIGHT BUTTERFLY

Moonlight Butterfly (2022)

Directed by: Joel Lamangan


Isang G.R.O. ang ibinahay ng isang kano.

Ang tawag sa kanya ay “Moonlight Butterfly”.


Naipakita nila ang ilang kahirapan at kalupitan na dinadanas ng mga babae. Naipakita rin nila ang pang-malakasang kakayahan ng mga babae.


Pero hindi maganda kung paano naipakita.


Hindi magaling umarte ang mga artista.

Pa putol putol ang daloy ng istorya.

Nakakaloko ang mga linya.

Hindi mo seseryosohin ang mga eksena.


Umabot na sa punto na tatawanan mo na lang ang mga nangyayari.


Para kang nanunuod ng Teleserye pero mula sa iba’t ibang palabas. May kanya-kanyang paandar ang mga karakter na hindi man lang napag-usapan at nasusundan.


May biglaang hubaran at patayan. May bigla na lang naglalantad. May mabilisang training na nagaganap. Tapos bigla-biglaan ring natatapos ang lahat.


Hindi akma

na naihalintulad sa paru-paro

ang pelikulang ito.


MOONLIGHT BUTTERFLY

Rating: 0/5


Cast: Christine Bermas, Kit Thompson, Albie Casiño, Quinn Carillo, Jim Pebanco, Jojo Estrada, Ivan Carapiet

Presented by: Viva Films, 3:16 Media Network

Date Released: March 18, 2022 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page