top of page

MR. & MRS. CRUZ

Mr. And Mrs. Cruz (2018)

Directed by: Sigrid Andrea Bernardo


Kalagitnaan pa lang ng movie... Mapapatanong ka nang ilang beses kung kelan bato matatapos, kasi talagang nakakainis na.


Sobrang pilit ng mga usapan. Hindi natural yung flow ng conversations. Basta basta na lang nag-iinsert ng topic out of nowhere. Walang direction yung script. Parang sampung writer ang nagsulat na may kanya-kanyang style. The movie presented too many elements that they lost track of their main message.


Nakakadistract din na hindi smooth ang continuity nila. Sa angle nato ay nakayuko si Ryza Cenon, tapos pagdating sa kabilang angle, nakaangat naman ulo nya.


Ang mga linyahan nila ay tadtad ng mga hugot at symbolisms para mag mukhang malalim, gaya ng pagswimming daw ng butterfly stroke na hinalintulad sa metamorphosis ng uod to paru-paro.


Sa sobrang dami ng symbolisms, hindi nila na-share nang maayos yung sariling pinagdadaanan nila. Ang mapapanuod mo lang ay ang sobrang daming conversation scenes na punong-puno ng mga hugutan.


The movie failed to let us experience the journey of Mr. And Mrs. Cruz.


MR. & MRS. CRUZ

Rating: 0/5


Cast: Ryza Cenon, JC Santos, Dennis Padilla, Yayo Aguila, Lui Manansala, Dido dela Paz, Bong Cabrera, Sophie Rankin

Presented by: Viva Films

Date Released: January 24, 2018 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments
bottom of page