MY SECRET SELF
- goldwinreviews

- Aug 21, 2025
- 2 min read
Updated: Aug 27, 2025
My Secret Self (2025)
Directed by: Richard Arellano

May nagsabi na panuorin daw natin itong bagong show online. Edi sinilip natin ang first episode. Bumungad agad itong si ate girl na nakahubad at pakita dibdib. Tapos yung lalaki obvious na may plaster sa kanyang ari. Another Vivamax platform na naman ba ito?
Pero nakakagulat na hindi sila nag-sex buong magdamag. May kwento pala ito.
From Vivamax… naging Batang Quiapo real quick. Action tapos napunta sa Family Drama tapos switch to Camp Comedy. Chopsuey na. Sunod-sunod ang mga pasabog na wala sa hulog.
Ang motto nila: Hindi na baleng may plotholes, basta importante ay may plottwists. Dahil sa dami ng nangyayari, wala ka na ring oras para pag-isipan ang mga pagkakamali nila.
Habang tumatagal, kapansin-pansin na hindi lang pala ganda ang kayang ipakita ni Sarah Holmes. Palaban din siya sa aktingan—lalo na sa pagdating sa pakikipag-sagutan. Effective sina Alvin Anson at Joyce Ann Burton. Sumakses sina Rinoa Halili at Millen Gal na mang-inis.
Mukhang bagay sana ang roles kina Hasna Cabral at Rosh Barman, pero hindi sila nagagabayan. Hindi patok kapag may patawa. Hindi convincing kapag may action. Kailangan pang paglaruan ni Jesse Guinto ang kanyang boses para mas maging kapani-paniwala ang kanyang mga sinasabi.
Keri lang si Kit Thompson, pero hindi pang lead role ang kanyang nagawa rito. Si JC Alcantara naman ay napadaan lang.
Ito yung serye na dumaan lang at hindi nang-iwan ng marka. Dinaan lang sa mga cliffhanger para mapa-next episode ka.
Beetzee Play ang name nung website kung saan siya mapapanuod. Ang bummer lang na wala silang mobile app.
40 episodes in total. 3 minutes each ang haba. Tapos may bayad na piso per episode. Hindi na masama ang price. Nakakaumay lang siyang panuorin. Hindi bagay i-bingewatch.
The secret para umabot ka hanggang sa last episode ay pagtawanan na lang ang mga pangyayari. Hindi siya Vivamax, pero hindi rin siya quality. Pampalipas-oras lamang kapag inip na inip ka na sa bahay at walang mapanuod.
𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑪𝑹𝑬𝑻 𝑺𝑬𝑳𝑭
Cast: Sarah Holmes, Kit Thompson, Hasna Cabral, Jesse Guinto, Rinoa Halili, Millen Gal, Alvin Anson, Joyce Ann Burton, Arnold Reyes, Rosh Barman, JC Alcantara
Release Date: August 15, 2025 on https://beetzeeplay.com/
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments