NAKED TRUTH
- goldwinreviews
- 3 days ago
- 2 min read
Naked Truth (2025)
Directed by: Ritchie Balza Roño

Isang virgin na reporter ang nahulog sa isang macho dancer sa kanilang unang pagkikita.
Akala mo magiging mainit ang mga kaganapan. Akala mo magagamit nila ang kanilang magkabilang propesyon para magkaroon ng matinding usapan.
Pero walang dating ang script at direction.
2 minutes per episode na nga lang siya pero nakakaantok pa rin panuorin. Hindi kaabang-abang ang nangyayari sa kanila. Hindi ka mapapa-next episode. Dinaan na lang sa musical scoring para kunwari exciting.
Hindi convincing bilang reporter yung bida. Hindi rin epektibo yung kontrabida. Hindi ramdam ang tensyon ng mga karakter kapag may nag-aaway. Matinong umarte si Paolo Gumabao, pero hindi siya todo-bigay sa pagsayaw bilang hosto.
Hindi nakakaakit ang mga sex scenes. Mahinhin na version ng Vivamax. Sobrang plain ng pagkakagawa sa drama. Kapag hindi seryoso ang mga eksena, doon nagiging okay ang episode, pero sobrang kakarampot lang nun.
Bagay sa comedy si John Arcenas. Buhay na buhay ang kanyang mukha at diwa kapag magbibitaw ng linya. Mabilis makapitan si Ruby Ruiz bilang Lola. Kahit kaunti lang ang kanilang mga eksena, ramdam mo ang kanilang pagiging pamilya.
Maayos sana ang naging ending, pero hindi siya exciting subaybayan. 49 episodes lahat tapos karamihan dun ay halos walang nangyayari. Makakausad ang kwento kahit hindi na ipakita ang ilang episodes.
Kulang sa sariling brand itong Beetzee Play. Hindi mo alam kung anong klaseng mga shows ang pwede mong mahanap dito. Sana makagawa sila ng serye na sa kanila lang makikita.
Andaming libreng shows ngayon online sa iba na mas okay panuorin. Anong rason para mag-subscribe sa Beetzee Play?
𝑵𝑨𝑲𝑬𝑫 𝑻𝑹𝑼𝑻𝑯
Cast: Monina Lawrence, Paolo Gumabao, Lienel Peña Natividad, Christian Vasquez, Andrew Gan, John Arcenas, Ruby Ruiz
Presented by: Pocket Media Productions
Release Date: September 5, 2025 on Beetzee Play
A Movie Review
Comments