top of page

PULA

Pula (2024)

Directed by: Brillante Mendoza


The character of Coco Martin

likes a 15-year-old girl.


Bakit ganun?


Hindi nila ikwekwento. Basta ang mahalaga ay nakuhanan ang pagtulo ng sipon ni Coco Martin.


Sa pelikulang ito, merong pulis at guro. Merong mag-asawa, magnanay, at magjowa. Pero lahat yun ay hindi mo makikilala. Hindi nila ginawan ng istorya ang mga karakter. Dahil dito, wala kang pake sa kanila at sa mga ipinapakita nila.


Mas nagkaroon pa ng exposure ang makulimlim na langit at maalon na dagat. Sobrang babad ng mga shots. Naglalakad sa may putik. Sakay sa motor. Focus sa alimango. Pakita ng mga ulap. Akala mo nagkwekwento, pero kung anu-ano na lang ang pinapakita.


Walang istorya. Walang direksyon. Walang nangyayari.


It’s getting worse by the minute. After almost 2 hours, the movie’s hideousness reached its peak.


Nakakalungkot dahil napunta si Julia Montes sa ganitong klaseng palabas ni Coco Martin. May isang eksena kung saan nagkaroon siya ng emotional breakdown. Hindi ka maaawa para sa kanyang karakter. Maaawa ka dahil ang galing niyang umarte, pero ang panget ng pelikula.


Para kay Julia Montes, ang sigaw ay hustisya.

Para sa pulang palabas na ito, ang hatol ay pulang marka.


PULA

Rating: -1/5


Cast: Coco Martin, Julia Montes, Vince Rillon, Christine Bermas, Ina Alegre, Alan Paule, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, Cataleya Surio, Angelica Cervantes, Erlina Villalobos

Written by: Reynold Giba

Presented by: Fire and Ice, CCM, Center Stage Productions

Release Date: May 3, 2024 on Netlfix

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -2

Emotions:  -1

Screenplay:  -2

Technical:  1.6

Message:  0


AVERAGE SCORE

Pula:  -0.68

16 comments

16 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
May 12
Rated 1 out of 5 stars.

walang kwentang story

Like

Guest
May 10
Rated 1 out of 5 stars.

Excited ako panoorin dahil gawang Brillante Mendoza, pero bakit napakarami kong tanong ng matapos ang story. Naglaro ang kaisipan ko sana si Raymart ang nag set up kay Coco at binayaran lang ang witness para ituro si Coco, para makulong at malaya na sila ni Julia at Raymart. Pero wala, walang ka twist twist. Mapapatanong ka nalang talaga? Anong nangyari Direk? Sayang din ang oras ko😅

Edited
Like

Guest
May 09
Rated 4 out of 5 stars.

Maganda ang pelikula, ipinapakita sa pelikula ang totoong realidad ng buhay,

Like

Guest
May 09

-10

Like

Guest
May 09
Rated 1 out of 5 stars.

Lahat halos ng pelikula ni direk brillante napanood kuna. the best pra sa akin yun serbis at kinatay. pero ito sobra bagsak akala ko si cocomartin ang direktor eh. daming sayang na scene na walang kwenta.

Like
bottom of page