top of page

PAGBALIK

Pagbalik (PPP 2019)

Directed by: Maria S. Ranillo


Napakalungkot panuorin nito.


Ramdam mo angkagustuhan nilang makagawa ng isang matinong pelikula. Layunin nilang mag-bahagi ng istorya. Pero hindi sya naisagawa nang maganda.


Masyado silang natuwa sa Fade in Fade out na transition effect. Halos lahat ng eksena nilagyan.


Masyado silang nadala sa pagiging Black & White nila. Kaya buong movie walang ka kulay kulay.


Masyado silang umasa sa mga lines at confrontation scenes nila. Pero hindi tumatagos ang mga salita nila.


Para silang nag-set up ng camera sa tabi ng kwarto. Tapos kinuhanan ang mga pag-uusap nila.


Para siyang high school project na pinasa sa teacher. Kaso kulang sa lahat ng criteria. Kaya ibinalik na lang.


Hence, pagbalik.


PAGBALIK

Rating: -1/5


Cast: Ms. Gloria Sevilla, Vince Ranillo, Suzette Ranillo, Alora Sasam

Production: Nuances Entertainment Productions and PRO. PRO

Date Released: September 13-19, 2019 for Pista ng Pelikulang Pilipino

A Movie Review by: Goldwin Reviews

bottom of page