top of page

PANTASYA NI TAMI

Pantasya Ni Tami (Vivamax 2024)

Directed by: Topel Lee & Easy Ferrer


A girl who has a kink on sexy anime

decides to be a cosplayer one day.


Ambilis gumawa ng costume. Walang preparation. Hindi man lang nag-effort. Basta-basta ang pagsuot. Walang pag-iingat. Bigla-biglang pumupunta sa mga convention. Imbes na makipag-usap tungkol sa mga kasuotan at sa mga karakter na nirerepresenta nila, nakikipaglandian lang sila.


Ginawang tinder ang cosplay event.

Ginawang parausan ang backstage area.

Ginawang pamunas ang costume.


Wala kang matinong makukuha sa palabas na'to tungkol sa paksa. Wala kang makukuha sa karakter ni Tami kundi kalibugan. Hindi mo alam kung ano ba talaga ang ginagawa niya sa buhay. Hindi mo alam kung anong drama meron sa pamilya niya, basta parati silang galit sa mundo.


Tunog lata ang mga boses. Hindi sumasakto ang buka ng bibig sa kanilang sinasabi. Ang sagwa ng pagkakaedit. Nakakairita yung tatlong beses inuulit ang mga galaw nila. Ang tamlay ng mga kulay. Hindi kaaya-aya ang mga nakikita mo.


Ang babaw ng mga usapan. Hindi ramdam ang kanilang hilig sa anime. Mabilisan lang ang pagkilala sa gravure. Hindi binigyang pansin ang bigat ng sitwasyon. Napunta agad sa hubaran at kantutan. Kung anu-ano ang shinoshoot kapag may photoshoot. Nakikipagsex lang sila nang naka-costume. Hanggang dun lang ang nagawa nila. Pinaglaruan lang nila ang cosplay.


This is just a careless and shallow representation of the cosplay community with no redemption till the end.


Sana nanatili na lang sa imahinasyon

ang 𝘗𝘢𝘯𝘵𝘢𝘴𝘺𝘢 𝘕𝘪 𝘛𝘢𝘮𝘪 at hindi na ipinakita pa.


PANTASYA NI TAMI

Rating: -1/5


Cast: Azi Acosta, Ali Asistio, Jiad Arroyo, Shiena Yu, Zia Zamora, Erica Balagtas, PJ Rosario, Justin MC, Mhack Morales, Mikhael Padua, PJ Abellana, Shirley Fuentes

Screenplay by: Don Ramirez Santella

Presented by: Vivamax, 2 inches of Loneliness, Inc.

Date Released: January 26, 2024 via Vivamax 

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  -0.5

Screenplay:  -2

Technical:  -0.5

Message:  -1


AVERAGE SCORE

Pantasya Ni Tami:  -1

36 comments
bottom of page